TV

Direk Dominic Zapata, tuwang-tuwa sa kulitan ng 'Ismol Family'

By Aedrianne Acar

Hindi maalis ang ngiti ng Kapuso director na si Dominic Zapata nang muli niyang nakita sa live chat ang mga artista sa sitcom na Ismol Family.

Kasama si Direk Dom sa kulitan, huntahan at mini reunion nina Carla Abellana, Ryan Agoncillo, Mikael Daez, Carmi Martin, Bianca Umali, Miguel Tanfelix, Pekto, Kevin Santos, Marc Justine Alvarez, Dello, at ang foreignay na si Natalia Moon - ang cast ng Ismol Family.

Napa-throwback tuloy ang Kapuso director nang aalahanin niya noong first time niyang makasama ang mga ito.

Kuwento ni Direk Dom, "Ang sarap n'yo panoorin guys! I still remember 'yung una ko kayo nakasama, kasi parang ang hirap n'yo pasalitain.

"Ngayon pinapanood ko kayo tarantang-taranta na 'yung mga writers kung mababalik n'yo ba sa script kasi ang kukulit ninyo nang lahat.

"Sarap just to sit back, watch and enjoy you guys."

Balikan ang best memories ni Direk Dominic Zapata sa Ismol Family sa video below.


Kung na-miss n'yo rin ang LOL moments ng Ismol Family, like and subscribe na sa bagong Kapuso comedy channel, ang YouLol.

'Ismol Family' star Natalia Moon recovers from COVID-19

'Ismol Family' child star Marc Justine Alvarez, kamusta na?