TV

Netizens, napa-'ALIEN!' sa 'Enhanced Ang Dating Doon'

By Aedrianne Acar

Mga Kapuso, isa ba kayo sa um-attend ng “grand tipon” ng Ang Dating Doon last weekend?

Napa-throwback ang marami sa ginawang online session nina Brod Pete, Brod Jocel, at Brod Willy na tinawag nilang 'Enhanced Ang Dating Doon.'

Isa sa mga patok na segment dati sa award-winning gag show na Bubble Gang ang 'Ang Dating Doon.'

Sa simula ng grand tipon, nagbigay ng mensahe si Brod Pete sa mga “ALIEN” na humaharap ngayon sa krisis dulot ng COVID-19 pandemic.

Hirit niya, “Musta mga ALIEN?

“Kita-kita tayo sa ganitong panahon medyo mixed emotions. Medyo masaya tayo, dahil nagkita-kita tayo.

“Medyo malungkot dahil maraming [naapektuhan]. Buong mundo actually ang [tinamaan] ng pandemic na ito, kaya tinawag na pandemic dahil buong mundo.

“Buti na lang sa panahon na 'to modern na may mga SM, social media, iba-iba yan. Mayroong Twitter, Instagram, Facebook. Kaya buong mundo nanood sa atin ngayon.

“Kami ay nandito para bigyan naman kayo ng konting kasiyahan, dahil ika nga, laughter is the best medicine.”

Kitang-kita sa comment section ng YouTube page ng comedy channel na YouLOL na sabik na sabik ang fans na makita sina Brod Pete, Brod Jocel, at Brod Willy.

Mga ALIEN, balikan ang mga na-miss ninyong moments sa 'Enhanced Ang Dating Doon' sa YouLOL page.

Mabubusog kayo sa tawanan sa YouLOL, kaya palaging maging updated sa mga bagong sorpresa ng comedy channel by clicking the like and notification button!

YouLol Boys Room live chat session trends on Twitter

Bianca Umali, pinaiyak si Miguel Tanfelix sa kanyang prank

Ultimate aso't pusa moments nina Mimi at Tommy sa 'Pepito Manaloto'