TV

YouLOL: Michael V. is the undisputed king of parody songs!

By Aedrianne Acar

Sa mahigit dalawang dekada na pamamayagpag ng award-winnning gag show na Bubble Gang, nakilala ito sa hit at trending parody songs na kinakanta ng kanilang creative director at pioneer na si Michael V.

For sure na-LSS na kaya nang bigyan ng sariling twist ni Bitoy ang mga kanta ng Up Dharma Down na "Tadhana" at natawa kayo sa version niya na "Tadyakan."

Kung nasa song list niyo naman tuwing videoke night ang "Buwan" ni JK Labajo, napakanta din kayo sa “Naman” ni Michael V.

At tiyak napaindak naman kayo sa Class B at kanta nila na “Gayahin Mo Sila” na parody song ng Ex Battalion na “Hayaan Mo Sila.”

Mga Ka-YouLOL, alin sa mga parody song ni Direk Bitoy ang pinaka-favorite niyo?

YouLOL: Mamaw, ang monster-in-law ni Erlinda

YouLOL: Concert na may rambulan ni 'Most Hated' singer