TV

Paano kung ayaw makipag-kiss ng karelasyon mo, may Philemaphobia kaya siya?

By Aedrianne Acar

Informative ang naging online chikahan ng Kapuso sexy ladies na sina Chariz Solomon, Lovely Abella, at Analyn Barro sa Ladies Room kung saan tinalakay nila ang iba't ibang klase na sex-related fears or phobia.

Isa na rito ang tinatawag na Philemaphobia or fear of kissing - galing ito sa Greek word na Philema na ang ibig sabihin ay “kissing.”

Napaamin ang actress-entrepreneur na si Lovely Abella na nagkaroon siya ng boyfriend na hindi raw sila nag-kiss at all.

Kuwento ng dancer-comedienne, “Ga, ewan ko, ako meron ako naging ex-boyfriend na hindi ko alam kung takot siya sa kissing, pero hindi kami nagki-kiss at all.”

“Siyempre nung nagkakilala siyempre tinary, pero nagtaka talaga ako na ayaw niya talaga… Tumagal kami ng taon na hindi kami nagki-kiss.”

Sabat naman ni Chariz, “Hindi masaya yun. Iba 'yung may kiss, e, kasi parang tatak 'yun ng level ng seriousness of the relationship.”

Pero nilinaw agad ng StarStruck graduate na sarili lamang niyang opinyon na importante ang kissing para sa magkarelasyon.

Aniya, “Akin lang 'yun! Kung sa iba po hindi nyo po trip mag-kiss huwag po kayo magagalit.”

Anu-ano na man ang masasabi ng Ladies Room hosts sa mga taong may Gymnophobia (fear of nudity), Thyphallophobia (fear of male private parts), at Eurotophobia (fear of female private parts)?

Panoorin ang naging sagot nilang tatlo sa YouLOL online show na ito sa video below.