TV

Tony Lopena, ni-reveal ang 'best movie' date niya

By Aedrianne Acar

Napaamin sa isang fun and juicy challenge ang cast ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento sa latest online exclusive video ng YouLOL.

Sumabak si Tony Lopena na gumaganap bilang Vincent sa "Guess the Emoji" challenge ni Chariz Solomon.

Nahulaan naman ni Tony ang emoji na “Movie Date” at dito tinanong siya ng Sparkle comedienne ng memorable date niya.

Kuwento ng Pepito Manaloto actor, “Well, ang pinakamasayang-masayang memory diyan, e di, siyempre, 'yung first movie date namin ng jowa ko.

“First movie date namin ng jowa ko kasi talagang first-time ko naka-experience na ako 'yung nilibre. Ako kasi laging gumagastos, e, dun sa mga iba.”

Source: GMA Network and Pepito Manaloto social media pages

Makasagot kaya sina John Feir, Mikoy Morales, at Cherry Malvar sa 'Guess the Emoji' challenge?

Panoorin sa video below!

Sundan ang kulit adventure sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento, pagkatapos ng Amazing Earth tuwing Sabado sa oras na 7:00 p.m..

Msasaksihan n'yo na rin ang tawanan ng Pepito Manaloto sa Pinoy Hits sa Channel 6 na available sa GMA Affordabox at GMA Now.

TINGNAN ANG FUNNY THROWBACK PHOTOS NG CAST NG PEPITO MANALOTO: