
Bagamat natatakot at kinakabahan, buong tapang hinaharap ng Bubble Gang comedian na si Buboy Villar ang responsibilidad bilang host ng YouLOL vodcast na Your Honor.
Simula December 7, mapapanood sa YouLOL Youtube channel ang “vodcast” ni Buboy kung saan makakasama niya ang versatile comedienne na si Tuesday Vargas.
Ang latest offering na ito ng brand ng YouLOL Originals ay mai-stream din sa iba't ibang streaming platform.
Sa eksklusibong panayam ni Buboy sa GMANetwork.com, ibinahagi niya ang saloobin na maging parte ng ganitong project online.
“Well bago matapos ang taon at wini-wish ko madagdagan pa ang mga episodes ng Your Honor at thank God dahil meron tayong bagong work. At nakaka-excite dahil first time ko po talaga na mag-vodcast, first time ko siya gawin.
“May takot ako kasi siyempre hindi naman ako magaling din talaga sa hosting. Kumbaga may fear ako sa pagho-host talaga, kaya siguro binibigay sa akin ni Lord ito para mas ma-challenge ko rin 'yung sarili ko.”
Pagpapatuloy ng comedian-vlogger, “Gusto ko gawin 'yung best ko dito at ang maganda kasi dito, kumbaga gustong-gusto ko siya, kasi siyempre, ma-ano 'yung bunganga ko. Kung ano 'yung masasabi ko, kung ano ang nasa utak ko gusto ko na kaagad sabihin. Kaya parang pasok na pasok siya sa akin at kasama ko si Ate Tuesday, nakakasama ko naman si Ate Tuesday. Masaya ang magiging experience na ito, for sure, kasi siyempre 'yung mga dati kong iniidolo na hindi ko pa nakakasama mai-interview namin dito sa Your Honor 'di ba.”
Hindi rin maubos ang papuri ni Buboy sa co-host niya sa Your Honor na si Tuesday na inilarawan niyang magaling at spontaneous pagdating sa pagpapatawa.
“Matagal kami nagkasama ni Ate Tuesday sa AOS, meron 'yung comedy group namin dun. Sobrang saya, puro adliban,” ani Buboy kay Tuesday.
Dagdag niya, “Actually, kapag meron kaming script iniintindi na lang namin 'yung mga thoughts e, kasi minsan 'pag si Ate Tuesday na 'yung kausap mo, hala! Parang walang katapusan topic ang puwede namin pag-usapan at in fairness din talaga kay Ate Tuesday, talagang parang kinakabag ako sa kaniya sa kakatawa at sa mga witty jokes niya.”
Huwag palagpasin ang grand hearing ng Your Honor na magsisimula ma-stream sa YouLOL YouTube channel sa oras 7:15 p.m. ngayong December 7.
RELATED GALLERY: Tuesday Vargas and Buboy Villar show amazing chemistry during the
'Your Honor' pictorial