GMA Logo Boss Toyo, Buboy Villar and Marian Rivera
Source: Your Honor & GMA Network
What's on TV

Your Honor: Buboy Villar, nagbenta ng bato kay Boss Toyo

By Aedrianne Acar
Published February 8, 2025 9:15 PM PHT
Updated February 9, 2025 1:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Side-hustling Pinoys bring artists to Dubai for the holiday season
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Boss Toyo, Buboy Villar and Marian Rivera


Ding (Buboy Villar), bakit mo binenta ang bato kay Boss Toyo?

Umamin sina Vice Chair Buboy Villar at internet personality na si Boss Toyo, o si Jayson Luzada sa totoong buhay, ( ) na nagkabentahan sila ng isang bato sa session ng Your Honor na “In Aid of Utang” nitong Sabado, February 8.

RELATED GALLERY: Check out Boss Toyo's celebrity visitors

Ano kaya itong espesyal na bato na ibinenta ni Buboy sa “Pinoy Pawnstars” owner?

Paglalahad ng Sparkle comedian, “Bilang ako naman ay isang 'burara person,' so naisip ko na nakikita ko na 'yung vlog ni Papa Toyo na nagpa-pawnstar nga siya.

“Sabi niya, baka may puwede kang ibahagi sa akin diyan, e, naisip ko naghanap ako, naghalungkat ako. E, meron ako nakita 'yung bato nga ni Darna.”

“Sabi ko meron ako dito nakakalat lang naman 'to sa bahay, baka gusto mo?”dagdag niya.

Matatandaan na si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ang gumanap sa iconic role na Darna na ipinalabas sa GMA (2009-2010) at dito naging sidekick niya si Vice Chair bilang si Ding.

Tanong naman ni Buboy sa resource person nila kung may bumibili ba ng bato ni Darna na binenta niya lang sa social media starsa halagang limang libong piso.

“Hindi ko pa kasi talaga binibenta. I think hindi ko ito ibebenta kasi si Buboy alam naman natin lahat na siya si Ding nung panahon ni Marian, which is si Marian isa sa mga kilalang gumanap ng Darna.

“Tsaka si Ding. Si Buboy hindi pa siya tulak nun,” biro ni Boss Toyo.

Biglang paglilinaw ni Boss Toyo, “Nagtulak nito [holding Darna's stone]. Binenta mo sa akin, itong bato lang na ito. Si Ding kasi, si Buboy napakagaling na child actor niyan. Talagang hindi mo siya maku-question nung panahon niya na bata siya, maliit pa siya. Hanggang ngayon maliit pa rin siya, magaling siya talaga!

“Nakakatuwa, so, sa mga Gen-Z na hindi nakakaalam puwede n'yo panoorin [ang Darna] kung gaano kagaling ang isang Buboy Villar. Nabigyan ng hustisya ang [role] bilang Ding. Kasi, ang mga kilalang Ding na natatandaan ko Niño Muhlach. Pero mas kilala ko si Niño Muhlach, tsaka si Buboy,” kuwento niya.

“So nung dinala niya 'yan at medyo mura ko pa nga ito binili. Baka, kung binenta niya 'to ngayon baka mahal na 'to nabili kasi medyo tumataas na 'yung price e.”

Balikan ang makulit na pagsalang ni Boss Toyo sa session ng Your Honor sa video below.

Tuesday Vargas and Buboy Villar show amazing chemistry during the 'Your Honor' pictorial