GMA Logo Pooh in Your Honor
What's on TV

Pooh, may napansin sa mga Pinoy sa tuwing bumoboto sa eleksyon

By Aedrianne Acar
Published April 5, 2025 9:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

300-year-old pulpit in Maragondon church collapsed; assessment underway
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Pooh in Your Honor


Hirit ni Pooh sa 'Your Honor' sa mga botante: “Bawal iboto 'yung ganito. Pero iboboto pa rin!”

Bawal ang killjoy sa newest session ng House of Honorables dahil nakasama nila ang versatile comedian na si Pooh.

Pinatawag nina Tuesday Vargas at Buboy Villar ang Kapamilya comedian para maging resource person nila sa session na "In Aid of Pasaway: Bakit Masarap ang Bawal?"

Ayon kay Pooh, ginagawa raw ng mga tao ang mga bawal dahil sa kanilang "curiosity".

Lahad niya sa Your Honor, “ Yung bawal na talaga na 'yan hindi natin alam bakit minsan out of curiosity, kagaya ng sinabi mo kanina (telling Buboy Villar) si Adan alam mong pinagbawal ng Panginoon 'di ba, pinagbawal talaga siya. Bilang tao siguro minsan 'yung iba ay matitigas din talaga ang ulo hindi ba?”

“Ang tao talaga matitigas ang ulo 'd iba!”

Sumang-ayon naman si Madam Chair Tuesday na sinabing likas daw ito sa mga tao.

Sabat uli ng kanilang guest, “Pero masarap gawin ang mga bawal.”

Dito naman nagpaliwanag si Tuesday kung bakit masarap gawin ang mga bawal. Ayon sa comedienne, “Kasi exciting, bukod sa nakaka-curious kasi nga hindi mo pa alam 'yun dahil ipinagbabawal. Ikaw ang first time na gagawa nun.”

“Pero minsan naman may mga paulit-ulit na bawal, pero paulit-ulit mo ginagawa,” tugon ni Pooh sa sinabi ng co-host ni Buboy

Muling tanong ni Madam Chair kay Pooh: “Kagaya ng? Example?”

“Ayan, mga tumatawid hindi ba! Talagang makikipagpatintero ka pa sa sasakyan. 'Yung mga bawal magtapon ng mga basura, 'yung alam mo nang bawal.”

“Nakalagay bawal magtapon ng basura, 'tapos may arrow yan 'di ba [motions with his hands]. Dito niya ilalagay… Tama siya, kasi paninindigan ng mga Pinoy, e.”

Dagdag pa ng Kapamilya star, “Bawal iboto 'yung ganito. Pero iboboto pa rin!

Agree naman si Tuesday sa sinabi ng resource person, “Ay! Ang ganda ng sinabi mong 'yan!”

Hirit pa uli ni Pooh, “Di ba! Ano ba? Bawal na nga eh, may mga ganito na nga e. Iboboto mo pa rin, kasi matigas ang ulo!”

“Pero hindi lahat ha, hindi ko sinasabing lahat ng Pilipino. Oo, mga 75 percent.”

RELATED CONTENT: POOH, MAY INAMIN KAY BOY ABUNDA