GMA Logo Toni and Mari Fowler in Your Honor
What's on TV

Toni Fowler, tanggap na may kapalit rin ang pagiging viral ng kanilang pamilya?

By Aedrianne Acar
Published April 12, 2025 9:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Taiwan says its military can respond rapidly to any sudden Chinese attack
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Toni and Mari Fowler in Your Honor


Viral content creator Toni Fowler, ano nga ba ang saloobin tungkol sa mga sinasabi ng tao tungkol sa ToRo family?

Walang duda na isa sikat na content creator ngayon si Toni Fowler at ang kaniyang ToRo family.

Ang personal YouTube channel ni Mommy Oni pa lamang ay meron nang 9.29 million subscribers.

Pero, pag-amin ni Toni, may kapalit ang kasikatan na tinatamasa nila.

Sa pagharap nila ng kapatid niya na si Mari Fowler sa Your Honor, inilahad niya ang opinyon niya sa nararamdaman niya na alam ng publiko ang lahat ng mabuti at masamang nangyayari sa kaniyang pamilya.

'Session #19. In Aid of Sibling Rivalry: Bangayan ng Fowler Sisters'

Paliwanag niya sa House of Honorables, “Ako palagi ko sinasabi sa family ko, nagsimula ako sa isang pagkakamali at nahirapan ako bumangon.”

“Kasi, may mga nasaktan ako mga tao, pero nung nakita ko na ah pupuwede pala magbago. Pupuwede pala magkaroon ng pagkakataon. Puwede na makita ka nila mag-grow ka rin. Lahat ng tao may chance na ganun.”

Pagpapatuloy ni Toni, “So, sinasabi ko sa kanila na huwag kayo matakot magkamali. Actually, naging maganda sa part namin sa reality show 'yung 'tipong dahil may mga camera kung gusto mo sabihin, sabihin mo lang.

“Kung iniisip mo na baka may sabihin 'yung mga tao, hindi, sabihin mo. Parang nagkaroon kami ng chance i-express 'yung sarili namin. Parang ganun 'yung nangyari sa amin, kaya mas naging open kami.”

Pero, binigyan-diin niya kina Tuesday Vargas at Buboy Villar na hindi puwede magbigay ang mga tao o netizen ng 'judgement' sa mga batang miyembro ng kaniyang family.

Paliwanag niya sa Your Honor, “So 'yung ano naman iniingatan ko lang din 'yung sa mga bata. Kasi, mga minor pa sila at naniniwala ako na walang karapatan ang kahit sinong tao magbigay agad ng judgment sa mga minor. Kasi, growing up pa lang sila e.

“Free pa sila dapat magkamali. Yun nga lang ito ang buhay namin, ito ang kapalit ng gusto namin na masarap na buhay at kaperahan.

“So, ngayon sacrifice kami ng konting privacy, actually, hindi nga konti.”

RELATED CONTENT: Toni Fowler's realization about love? 'Ang pagmamahal ay mapagpasensya'