
Binuksan ni Kiray Celis ang puso nang sumalang sa session ng Your Honor at dito niya inamin kina Madam Chair Tuesday Vargas at Vice Chair Buboy Villar na nakaranas siya ng betrayal sa mga kaibigan.
Naging resource person sina Kiray at BFF niya na si Christian Antolin sa YouLOL vodcast at dito binalikan ng comedienne ang malungkot na nangyari sa previous friends niya.
Lahad niya sa Your Honor, “Nung time kasi na 'yun speaking of pagkakaibigan, nung time na 'yun maraming nangyari sa akin na mga betrayal ng friends, ng mga nanloloko na mga kaibigan, mga nasaktan ako. So parang nung time na dumating siya [Christian Antolin] sa buhay ko ayoko na ng kaibigan. Pero sobrang maalaga 'to, hindi niya siguro intention na makaibigan ako or parang hindi naman niya alam na magki-click agad kami. Ganun 'yung nangyari.
“Nung dumating siya parang sabi ko, 'Ah sige! Bubuksan ko uli 'yung puso ko parang depende pala sa taong darating. Hindi pala lahat ganun.”
Source: Your Honor
Dagdag naman ng content creator na si Christian, “Pero in fairness kay Kiray nag-click agad kami right there and then.”
“Nung kuwento niya na 'yun, totoo naman 'yun. Biglang lumalim [yung friendship] hindi ko alam kung bakit maybe dahil marami kasi kaming common denominators. Especially sa family ganiyan, maraming situation na bukod sa pareho kaming breadwinner.”
Sundot pa ni Kiray, “At saka hindi kuhaan ng fame.” Sumang-ayon din si Antolin sa sinabi ng BFF.
Paliwanag uli ni Kiray, “Hindi na para, 'Ah kakaibiganin ko 'to kasi kailangan magpa-post. Walang ganun! Okay friends tayo, click tayo. Okay bet ko 'yung ugali niya ganun. Hindi na 'yung parang, 'Ah, kasi mas marami siyang followers kailangan'. Walang ganun!”
Dating nagkasama sa GMA Prime series na My Guardian Alien sina Kiray at Christian Antolin kung saan bumida sina Marian Rivera at Gabby Concepcion.
Panoorin ang pagsalang nina Kiray at Christian sa session ng Your Honor sa video below!
RELATED CONTENT: Kiray Celis at Christian Antolin, inamin ang suweldo bilang artista at content creator