GMA Logo your honor
What's on TV

Gladys Reyes, nahirapan pagalitan ang anak niyang si Christophe

By Aedrianne Acar
Published June 28, 2025 8:15 PM PHT
Updated June 29, 2025 4:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Presyo ng siling labuyo, umakyat na sa P800/kilo; kamatis, P200/kilo | One North Central Luzon
Marcos Jr. answers netizens’ funny Christmas questions
British designer Anya Hindmarch's Universal Bag launches in the Philippines

Article Inside Page


Showbiz News

your honor


May dilemma raw si Gladys Reyes tuwing pinapangaralan ang mga anak nila ni Christopher Roxas.

Dapat daanin sa mabuting usapan, ganito ang payo ng seasoned TV-movie actress na si Gladys Reyes sa mga magulang para magkaroon ng magandang relasyon sa kanilang mga anak.

Tinalakay ng primera kontrabida ang kaniyang parenting style nang humarap sa Your Honor bilang resource person nito noong Sabado, June 28.

Dito umamin pa ang dating Pepito Manaloto actress kina Chariz Solomon at Buboy Villar na kapag nagagalit siya ay hindi nito mapigilan maging emosyonal.

“Hangga't makakausap mo nang [maayos]... Alam mo, sa totoo lang, mas marami pa nga ako sinasabi, 'di ba? Minsan 'yung mas maiksi, 'di ba, pero firm, parang 'yun ang mas tatatak sa kanila. Minsan, 'pag ang dami-dami sinasabi, minsan papasok 'tapos lalabas lang. Minsan din nagiging emotional din ako.” pag-amin ni Gladys sa House of Honorables.

Pagpapatuloy niya, “Ako, baliktad 'pag sobrang galit ako mas naiiyak ako, naiiyak ako sa galit. So, kaya minsan 'pag kinakausap ko 'yung anak ko, baka hindi ko naman masisi, kung hindi rin nila agad maintindihan, parang choppy.

“So siyempre, mas maganda pababain mo muna emosyon mo, tapos mas maiisip mo rin 'yung right words to tell them, kesa, 'yung galit na galit ka 'di ba,”

Kuwento niya sa Your Honor hosts, “Alam mo isa pa sa naging dilemma ko bilang magulang [points to Buboy], I'm sure pati ikaw Vice Chair dahil mga inglesero nga ang mga bata 'd iba. So, minsan papagalitan mo , e, one time umaakyat ng hagdan si Christophe.

“[Sabi ko], 'Christophe, you…' E, kino-construct ko pa 'yung English ko nakaalis na.

“Nakaalis na. Ganito na lang talaga nasabi ko, 'Mamaya ka sa akin'.”

May tatlong pang anak sina Gladys at Christopher Roxas, na sina Gianna, Grant, at Gavin sa mister na si Christopher Roxas.

Source: Your Honor

Balikan ang funny story ni Gladys Reyes tungkol kay Christophe sa panayam niya sa Your Honor dito:

Related gallery: The cast of Cruz vs. Cruz stuns in blue at the GMA Afternoon Prime Grand Media Day