GMA Logo Valeen Montenegro
What's on TV

Valeen Montenegro, hindi stressed sa pagbabago ng kaniyang katawan ngayong siya'y buntis

By Aedrianne Acar
Published August 23, 2025 8:30 PM PHT
Updated August 24, 2025 10:22 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Magna Carta of Filipino Seafarers: What It Means for Those Who Live Life at Sea
US Democrats will try, and try again, to rein in Trump's Iran war powers
Novena begins for Manaoag centennial coronation

Article Inside Page


Showbiz News

Valeen Montenegro


'Balitang Ina' host Valeen Montenegro on being pregnant: “Parang okay lang kahit mas malaki ngayong 'yung arms ko.”

Positibo ang view ng former Bubble Gang star na si Valeen Montenegro sa mga pagbabagong pisikal na nararanasan niya ngayong buntis siya sa first baby nila ng kaniyang husband na si Riel Manuel.

Ikinasal ang versatile comedienne kay Riel noong January 2024 at nitong June 2025, inanunsyo ng "Balitang Ina" host na siya ay buntis na.

RELATED CONTENT: Valeen Montenegro's intimate wedding with Riel Manuel

Sa guesting ni Mommy Valeen sa Your Honor na hino-host nina Chariz Solomon at Buboy Villar, sinabi niya na kahit may changes sa katawan niya ay nagkaroon siya ng "new-found confidence."

“Sa physical, actually hindi ako na-stress parang na-e-embody ko siya, nakikita ko nag-chi-change 'yung katawan ko. Parang okay lang kahit mas malaki ngayong 'yung arms ko. Parang, nagkaroon ako ng new confidence.” paliwanag niya sa House of Honorables.

Dagdag ni Valeen, “Parang feeling ko lang, mas nag-aayos ako ngayon. Alam mo 'yun parang mas gusto ko i-flaunt 'yung bump 'yung parang ganun.”

“Sabi ko, 'My body will do what it wants to do, because it has to do it'. Parang lang hindi na ako ma-stress, happy lang.”

Balikan ang full interview ng pretty mom na si Valeen Montenegro sa Your Honor sa video below!

RELATED CONTENT: BEST BALITANG INA MEMES