GMA Logo Youre My Favorite Song
Source:Youre My Favorite Song
What's on TV

You're My Favorite Song: Brighton Bay Ball, gabi ng pag-amin kay Angel?

By Mark Joseph F. Carreon
Published July 20, 2026 12:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

State of the Nation Livestream: July 21, 2026
Suspect in bank personnel robbery nabbed in MisOr raid
Sam Bernardo encourages Filipinos to invest in oral health

Article Inside Page


Showbiz News

Youre My Favorite Song


Abangan kung sino nga ba kina Miguel (Heath Jornales), Calix (Clifford), at Zion (Marco Masa) ang unang aamin kay Angel (Caprice Cayetano) sa You're My Favorite Song!

Umaapaw na kilig at excitement ang dala ng Brighton Bay Ball noong Biyernes, July 17, na dinaluhan nina Angel, Miguel, Calix, at Zion, kasama ang buong estudyante ng Brighton Bay Academy.

Sa naturang episode ng GMA Afternoon Prime romance-drama series na You're My Favorite Song, lahat ay elegante at kumikinang ang anyo habang suot, hindi ang kanilang pang-araw-araw na school uniform, kundi ang naggagandahang suits at gowns para sa isang gabi ng pagdiriwang, sayawan, at kilig.

Sa gabing iyon, napuno rin ng kaba ang tatlong lalaki sa buhay ni Angel na sina Miguel, Calix, at Zion dahil sa lumalagong damdamin para sa dalaga. Labis ang kaba ng tatlo sapagkat pare-pareho silang naghahandang aminin ang tunay nilang nararamdaman para sa mabait, maganda, at matapang na si Angel.

Bagama't halata na ng bagong kaibigan na si Adie (Princess Aliyah) ang kaniyang itinatagong feelings para kay Angel, tila natatakot at napanghihinaan ng loob si Zion na umamin dahil ayaw niyang masira ang kanilang pagkakaibigan.

Tila natotorpe pa si Zion na ipagtapat ang kaniyang nararamdaman. Siya kaya ang mauuna sa tatlo na magtapat kay Angel?

Matapos lumabas ang katotohanan ukol sa tunay na nagpakalat ng kaniyang fake video, tila nahulog na at napapalapit na ang loob ni Calix sa kaniyang dating academic rival at dating madalas i-bully na si Angel.

Matapos niya itong matapang na ipagtanggol laban sa mga estudyanteng inutusan ni Charm (Waynona Collings), magiging matapang na rin kaya ang loob niya upang aminin ang kaniyang nararamdaman? Magtagumpay kaya si Calix sa kaniyang pag-amin?

Unti-unti ring lumalago ang nararamdaman ni Miguel kay Angel mula nang pumasok siya sa Brighton Bay Academy. Sa kanilang pagiging close at araw-araw na pagkikita para sa mga review session, nahulog na si Miguel sa kabutihan ng loob ng dalaga.

Sa Brighton Bay Ball na kaya niya maamin ang tunay na pagtingin kay Angel? Ano rin kaya ang kaniyang gagawin kapag nalaman niyang binantaan ni Neil (Paolo Paraiso), ang kaniyang mismong ama, si Angel na layuan siya? Ano kaya ang mananaig para kay Miguel: pamilya o pag-ibig?

Sa sabay-sabay na pag-amin ng tatlo, sino kaya ang makakakuha sa puso ni Angel? Ang kaniyang new close friend na si Miguel? Ang kaniyang bully-turned-savior na si Calix? O ang kaniyang best friend na si Zion?

Abangan din kung ano ang mararamdaman at gagawin ni Angel kapag tatlo ang sabay na nagtapat sa kaniya! Tutukan din ang masamang plano ni Serina (Kazel Kinouchi) kay Mama Bebe (Katya Santos), lalo na't nalaman na nitong nasa Gran Vista Resort ang asawang si Enrico (James Blanco).

Abangan lahat ng kapanapanabik na mga tagpo sa You're My Favorite Song, tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m., pagkatapos ng Kamao sa GMA Afternoon Prime!

Related Gallery: Cast ng 'You're My Favorite Song,' kilalanin!