GMA Logo caprice cayetano and heath jornales
Source: youre.myfavoritesong (IG)
What's on TV

You're My Favorite Song: Brighton Bay King and Queen na sina Angel at Miguel, ikakasal?

By Mark Joseph F. Carreon
Published July 21, 2026 12:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sara Duterte impeachment trial Day 8: Matibag stands by 'threat' testimony, VP in The Hague
Suspect in bank personnel robbery nabbed in MisOr raid
Sam Bernardo encourages Filipinos to invest in oral health

Article Inside Page


Showbiz News

caprice cayetano and heath jornales


Abangan ang kasalang Angel (Caprice Cayetano) at Miguel (Heath Jornales) sa Brighton Bay Ball sa 'You're My Favorite Song'!

Isa-isa nang gumagawa ng hakbang sina Miguel (Heath Jornales), Calix (Clifford), at Zion (Marco Masa) upang maamin at maipakita kay Angel (Caprice Cayetano) ang kanilang tunay na nararamdaman para sa kaniya.

Sa naganap na Brighton Bay Ball, nang buksan na ang dance floor, agad na kinuha ng tatlo ang pagkakataon na mapalapit kay Angel at ayain itong makasayaw.

Bagama't natotorpe, nauna sa tatlo ang best friend ni Angel na si Zion. Naglakas-loob ang binata na ayain ang kaniyang kaibigan, na ngayo'y kaniyang hinahangaan, upang makasayaw. Napuno ng saya ang sandaling ito ng magkaibigan habang sila ay masayang nagsasayaw, kung kaya't hindi na nakaamin si Zion ng kaniyang tunay na nararamdaman.

Agad ding naputol ang pagsasayaw ng dalawa nang dumating si Miguel upang ayain naman si Angel. Nagparaya naman si Zion at agad na pinuntahan si Charm (Waynona Collings) na nag-iisa upang ayain itong magsayaw.

Habang kasayaw si Zion, nagpasalamat si Charm sa binata dahil kahit pa masama ang kaniyang mga ginawa noon, nakuha pa rin nitong maging mabuti sa kaniya.

Sa kabilang banda, tahimik na magkasayaw sina Angel at Miguel. Subalit bakas sa mukha ng dalaga ang pag-aalinlangan dahil sa pagbabanta ng ama ni Miguel na si Neil (Paolo Paraiso) bago ang ball. Inutusan nito si Angel na layuan ang anak, kung kaya't tila bumabagabag ito sa isip ng dalaga habang kasayaw ang kaibigan.

Maging hadlang kaya ito sa nararamdaman ni Miguel kapag nalaman niya ang banta ng ama?

Nakararamdam naman ng selos si Calix dahil naunahan siya nina Zion at Miguel na gumawa ng hakbang para makuha ang puso ni Angel. Agad siyang tinulungan ng kaibigang si Raviel (Lee Victor) upang makuha si Angel mula kay Miguel.

Nagtaka man si Angel kung bakit siya sinasayaw ni Raviel. Sinabi ng binata na pinatatawag daw siya ni Ma'am Dragona (Shyr Valdez) kaya kailangan niyang lumabas. Lingid sa kaalaman ni Angel, pagdadahilan lamang ito ni Raviel bilang bahagi ng plano para tulungan si Calix.

Paglabas ni Angel, bumungad sa kaniya si Calix na naghihintay. Agad siyang sinalubong ng binata at naglakas-loob na itong umamin ng tunay na nararamdaman para sa kaniya. Inabutan pa ni Calix si Angel ng isang moon pendant bilang tanda ng kaniyang pagtingin.

Sa episode ngayong Martes, July 21, abangan ang pinakahihintay na anunsyo kung saan sina Miguel at Angel ang hihiranging King and Queen ng Brighton Bay Ball!

Sa tradisyon ng Brighton Bay Academy, ang hihiranging King and Queen ay ikakasal sa Marriage Booth na inihanda para sa mga mananalong estudyante sa naturang ball. Ano kaya ang mararamdaman ng lahat sa balitang ito—lalo na sina Calix at Zion?

Ano ang gagawin ni Angel kapag nalaman niyang ang kaniyang Mama Bebe (Katya Santos) ay ipinadampot sa mga pulis ng kaniyang Tita Serina (Kazel Kinouchi)?

Abangan lahat ng kapanapanabik na mga tagpo sa You're My Favorite Song, tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m., pagkatapos ng Kamao sa GMA Afternoon Prime!

Related Gallery: Stars ng You're My Favorite Song, nagniningning sa kanilang mga outfit sa Brighton Bay Ball!