What's on TV

7.8 magnitude na lindol, niyanig ang Mindanao! (Full Episode) | Reporter's Notebook

Published June 15, 2026 2:07 PM PHT

Video Inside Page


Videos

Reporters Notebook



Aired (June 13, 2026): #ReportersNotebook: “Pagyanig sa Mindanao”

Dahil sa malakas na pagyanig, gumuho at nasira ang mga gusali, nagkaroon landslide, at may residenteng nawalan ng mahal sa buhay. Ito ang ilan sa mga iniwang pinsala ng magnitude 7.8 na lindol na tumama sa iba't ibang bahagi ng Mindanao.

Sa General Santos City, nasaksihan ng mga estudyante at guro ang malakas na pagyanig sa mismong unang araw ng klase. Sa Glan, Sarangani, maraming kalsada ang nabiyak at natabunan ng landslide, habang ilang pamilya ang nagluksa matapos madaganan ng gumuhong mga bahay.

Paano nga ba hinarap ng mga residente ang isa sa pinakamalalakas na lindol na tumama sa bansa? At paano unti-unting bumabangon ang mga komunidad na labis na naapektuhan?

Ang buong detalye, alamin sa video. #ReportersNotebook


Around GMA

Around GMA

Anne Raz spreads kilig with her newest single 'Di Magbabago
DA eyeing post-harvesting facility requirement for rice importers
P234M alleged smuggled cigarettes seized off Zamboanga Sibugay