
Tinaguriang “Cobra King” ng Leyte na umano'y hindi tinatablan ng kamandag at dati pang isinusubo ang mga alaga niyang ahas, bakit tila nawalan ng bertud nang siya mismo ang tinuklaw kamakailan ng cobra?
Babae mula Bicol, hindi akalaing mahahanap ang kanyang big love na may bigat na mahigit 200 kilos sa isang online game!
Samantala, ang world's most perfect cone na Bulkang Mayon, muling nag-alburoto! Viral din sa iba't ibang panig ng mundo ang transformation videos ni Gon, kung saan sa bawat lingon, nagbabago siya at nagbibihis-babae!
Habang 19, patay sa Toboso, Negros Occidental; engkuwentro nga ba ang nangyari sa pagitan ng mga sundalo at New People's Army o isang masaker?
At isang ina mula Bataan, tinubuan ng umano'y “itlog” ng lalaki?! May katotohanan nga ba ang paniniwalang may hatid itong suwerte?
Panoorin ang video. #KMJS
“Kapuso Mo, Jessica Soho” (One at Heart, Jessica Soho) is the Philippines' top-rating news magazine program, hosted by one of the most-awarded broadcast journalists in the country, Jessica Soho. It features human interest stories, food, news personalities, travel, trends and pop culture. 'KMJS' airs every Sunday, 8:15 PM on GMA Network. Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes. #KMJS