Alden Richards at Maine Mendoza, nakaka-relate kina Andrew at Gara ng 'Imagine You & Me' | GMANetwork.com - Films - Articles

Hindi naman daw nalalayo ang pagkatao nina Andrew at Gara sa kanilang dalawa.

Alden Richards at Maine Mendoza, nakaka-relate kina Andrew at Gara ng 'Imagine You & Me'

By CHERRY SUN

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Marami ang nananabik na lalo pang makilala ang mga karakter na gagamapanan nina Alden Richards at Maine Mendoza sa kanilang pagbibidahang pelikula na Imagine You & Me. Anila, hindi naman daw nalalayo ang pagkatao nina Andrew at Gara sa kanilang dalawa.

Pag-amin ni Maine, “Si Gara and si Maine, similarities nila parehong masiyahin, makulit and siguro ‘yung pagiging hopeless romantic.”

“Well, ako kasi grabe din ako masaktan eh. Kumbaga sa personal part of my life, grabe din ako masaktan so ‘yun ‘yung nakita kong similarity ni Andrew kay Alden. Pero [we] never give up and fight for what we want. ‘Yun naman ‘yung good point,” paliwanag naman ng Pambansang Bae.

Kuwento ng AlDub love team sa kanilang Facebook live chat sa GMA Network na kapupulutan din ng aral ang kanilang pelikula.

“Never give up on the things that you love, on the people that you love,” pahayag ni Maine.

“Kung isipin niyo man na hindi para sa inyo ‘yung isang bagay, kung wala kayong ginawa para ipaglaban ‘yun, hindi niyo talaga siya makukuha,” dagdag naman ni Alden na madiing sinang-ayunan ng kanyang katambal.

MORE ON IMAGINE YOU & ME:

LOOK: Imagine You & Me, mapapanood sa iba’t ibang bansa

EXCLUSIVE: At the press conference of Imagine You & Me