Jak Roberto, isa sa mga kumulit kay Michael V na mag-direk ng pelikula | GMANetwork.com - Pictures - Articles

Sa one-on-one interview ni Jak Roberto para sa GMANetwork.com, ni-reveal nito na matagal na nilang kinukulit si Michael V na mag-direk ng pelikula. Read more:

Jak Roberto, isa sa mga kumulit kay Michael V na mag-direk ng pelikula

By AEDRIANNE ACAR

Walang duda ang Kapuso hottie na si Jak Roberto sa kalalabasan ng 'Family History,' ang first full-length movie ng Kapuso comedy genius na si Michael V.

 

Jak Roberto
Jak Roberto

 

EXCLUSIVE: Max Collins, proud sa big movie project ni Michael V na 'Family History'

Sa one-on-one interview ni Jak sa GMANetwork.com, matapos ang Kapuso ArtisTambayan ngayong Huwebes ng hapon (April 4) , ni-reveal ng Bubble Gang star na matagal na nilang kinukulit si Direk Toy (Michael V) na mag-direk ng pelikula.

Wika niya, “Matagal namin hinihintay na gumawa uli si Direk Toy ng movie. Kasi kami minsan kinukulit namin siya.

“Finally, gagawin niya na ngayon ‘yung pelikula na ‘Family History,’ so excited kami lahat sa kalalabasan. Kasi kilala namin si Kuya Bitoy na talagang genius, lalo na sa pagpapatawa, pagsusulat at pagko-compose ng mga kanta.”

Malaki din ang tiwala ni Jak na maganda ang 'Family History' dahil kilala niya si Michael V sa pagiging ‘metikuloso’ nito sa lahat ng aspeto tuwing shooting.

Ani Jak, “Si Kuya Bitoy metikuloso 'yan sa lahat ng bagay, sa mga lines, situation. Gusto niya talagang makatotohanan, so excited ako sa movie na ito kasi alam ko maganda dahil si Kuya Bitoy 'yan.”

Nagkuwento din ang Kapuso actor sa samahan ni Michael V at butihin nitong asawa na si Carol Bunagan.

Tinawag ni Jak na “ideal couple” sina Michael V at Carol na dapat nilang tularan ng kaniyang girlfriend na si Barbie Forteza.

“Sobrang sweet nilang dalawa pero hindi sila showy. Alam mo mararamdaman mo ‘yung care nila sa isa’t-isa… Happy family sila sarap nilang tingnan.”

Incidentally, si Michael V at Carol ang nagtayo ng production company na Mic Test Entertainment na siyang ka-partner ng GMA Pictures sa pagpo-produce ng Family History.