EXCLUSIVE: Jemwell Ventinilla, karangalan daw makatrabaho sina Michael V. at Dawn Zulueta | GMANetwork.com - Pictures - Articles

Ramdam ang kasiyahan at excitement ng former 'Yagit' star na si Jemwell Ventinilla na after two years ng pagkawala niya sa showbiz ay ‘Family History’ agad ang kanyang project.

EXCLUSIVE: Jemwell Ventinilla, karangalan daw makatrabaho sina Michael V. at Dawn Zulueta

By AEDRIANNE ACAR

Ramdam ang kasiyahan at excitement ng former Yagit star na si Jemwell Ventinilla na after two years ng pagkawala niya sa showbiz ay ‘Family History’ agad ang kanyang project.

 

Jemwell Ventinilla
Jemwell Ventinilla

 

Sa exclusive chat ng GMANetwork.com kay Jemwell, sinabi nitong hindi siya makapaniwala na nakabalik siya sa showbiz. 

Wika niya, “Hindi ako makapaniwala makakabalik ako siyempre kumbaga ang haba eh nung patay na araw (na wala ako sa showbiz).”

IN PHOTOS: The all-star cast of 'Family History'

Memorable din ang movie niya dahil nakasama niya dito ang dalawa sa pinakamalaking pangalan sa industriya na sina Direk Michael V. at Ms. Dawn Zulueta.

“Isang malaking karangalan sa akin para makatrabaho si Michael V. with Direk Bitoy then si Ms. Dawn (Zulueta) hindi man kami magkaka-eksena pero sobrang saya na kumbaga minsan sa buhay mo nakasama mo sila.”

Bilang ang ‘Family History’ ang first foray ni Michael sa pagdi-direk, kinamusta naman si Jemwell at tinanong kamusta bilang direktor ang multi-awarded comedian.

Ayon sa binata na wala daw ‘hassle’ at ‘pala ngiti’ si Michael V. tuwing may shooting.

Aniya, “Walang hassle eh hindi siya 'yung pagka nagkamali ka (galit agad). Siyempre may mae-encounter ka na director na kapag nagkamali umiinit ang ulo, siya hindi nakangiti lang the whole time.”

“Tutulungan ka niya kung paano mo mapapadali 'yung (trabaho) then kapag kinakabahan ka iko-comfort ka nila Miguel (Tanfelix), nila Bianca (Umali) nung mga ka-eksena ko.”

Family History opens in cinemas nationwide starting July 24.