Michael V., looking forward na mapanood ng mga Kapuso abroad ang 'Family History' | GMANetwork.com - Pictures - Articles

Excited na si Direk Bitoy na makasama ang mga Kapuso sa ibang bansa na tiyak mae-enjoy ang 'trending' family drama movie of 2019 na 'Family History.'

Michael V., looking forward na mapanood ng mga Kapuso abroad ang 'Family History'

Hindi na rin makapaghintay ang award-winning comedian na si Michael V. na mai-share sa mga kababayan abroad ang film project niyang Family History, kung saan nakatambal niya ang highly-respected actress na si Dawn Zulueta.

 

Source: anna_pingol (IG)
Source: anna_pingol (IG)

 

Sa isang tweet ni Direk Michael, sinabi niyag excited na siyang makasama ang mga Kapuso sa ibang bansa at tiyak na mae-enjoy nila ang 'trending' family drama movie of 2019.

 

Tulad ng walang tigil na pag-ulan, buhos pa rin ang magagandang review ng netizens sa Family History na nasa third week na ng showing nito.

Family History is graded "B" by the Cinema Evaluation Board and is a joint project of Mic Test Entertainment and GMA Pictures.