Mga Pinoy sa Amerika, excited na mapanood ang 'Family History' | GMANetwork.com - Pictures - Articles

The long wait is over!

Mga Pinoy sa Amerika, excited na mapanood ang 'Family History'

The long wait is over!

 

Dawn Zulueta and Michael V.
Dawn Zulueta and Michael V.

 

Mapapanood na simula susunod na buwan (October) ang trending family drama movie na ‘Family History’ na  pinagbibidahan ng award-winning comedian na si Michael V. at respetadong film actress na si Dawn Zulueta sa ilang piling sinehan sa Amerika.

 

Pinoys abroad clamor for international screening of 'Family History'

 

 

Opisyal na inimbitahan ni Direk Michael sa kanyang Instagram account ang mga kababayan na manood sa mga sinehan ng AMC at Cinemark simula October 11.

 

Sinabi din ng Bubble Gang comedian na may English subtitles ang mapapanood nilang pelikula.

 

 

 


Ramdam naman ang excitement ng mga tao na sabik na mapanood ang heartwarming story ng mag-asawang Alex (Michael V.) at May (Dawn Zulueta).

 

 

Family History is a co-production between Mic Test Entertainment and GMA Pictures.