Bianca De Vera, na-pressure bilang leading lady nina Will Ashley at Dustin Yu? | GMANetwork.com - Pictures - Articles

Bianca De Vera bilang co-lead star nina Will Ashley at Dustin Yu sa 'Love You So Bad': “Grabe 'yung talent nila. What they bring into the table, grabe.”

Bianca De Vera, na-pressure bilang leading lady nina Will Ashley at Dustin Yu?

By EJ CHUA

May revelation si Bianca De Vera bilang katrabaho nina Will Ashley at Dustin Yu sa unang pelikula na kanilang pagbibidahan na Love You So Bad.

Seryosong sinagot ni Bianca ang isang tanong sa Media Night and Trailer Launch tungkol sa pakikipagtrabaho niya sa dalawang aktor.

Ayon kay Bianca, nakaramdam at patuloy siyang nakakaramdam ng pressure bilang leading lady nina Will at Dustin.

“Well I'm going to be really honest. Grabe 'yung pressure nung nalaman ko and even every day na nagte-taping kami 'yung pressure bilang leading lady nila pareho,” sabi niya.

Pahabol pa ng Star Magic artist, “Seryoso, gusto ko lang sabihin na Ms. Tracy [Garcia], Ms. Joy [Marcelo], and Ms. Annette [Gozon-Valdes] you've raised… seryoso na talaga, grabe kasi 'yung dalawa [Will and Dustin], grabe 'yung talent nila. What they bring into the table, grabe. Two beautiful souls, two beautiful boys…”

RELATED CONTENT: Love You So Bad' Media Night and Trailer Launch

 

 

Sina Will at Dustin ay makikilala sa romcom film bilang sina Vic at LA, ang leading men ng karakter ni Bianca na si Savannah.

Samantala, panoorin ang official trailer ng Love You So Bad sa ibaba.

 

 

Ang pelikulang pagbibidahan nina Will, Bianca, at Dustin ay collaboration ng GMA Pictures, Star Cinema, at Regal Entertainment.

Huwag palampasin ang love story ng Team SaVic at LaVan sa Love You So Bad, mapapanood na sa December 25 sa cinemas nationwide.

Are you Team SaVic or Team LaVan?

Sagutan ang poll sa ibaba: