'Love You So Bad,' patuloy na mapapanood sa mga sinehan
January 09 2026
Isa ang pelikulang Love You So Bad sa mga patuloy pang mapapanood sa mga sinehan sa bansa.
Ito ay pinagbibidahan ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition ex-housemates na sina Will Ashley, Dustin Yu, at Bianca De Vera.
Extended ito for another week kaya naman mayroon pang chance ang fans nina Will, Dustin, at Bianca na makilala ang karakter ng tatlong aktor na sina Vic, LA, at Savannah.
Sa panayam ni Aubrey Carampel sa lead stars na ipinalabas sa 24 Oras, nagbigay ng pahayag si Will tungkol sa kung gaano sila kasaya sa mga papuring natanggap nila sa mga una nang nakapanood ng kanilang first-ever film together.
Ayon kay Will, “Nakakatuwa na na-appreciate po nila ‘yung pelikula namin at nagustuhan po nila ‘yung istorya. Binuhos din po talaga namin ‘yung puso namin dito…”
Umiikot ang istorya nito sa complicated relationships, kung saan tampok ang love life at pamilya, hard situations pagdating sa pag-ibig, at pati na rin sa ilang makabuluhang life lessons.
Ang naturang romcom movie na nabuo sa ilalim ng direksyon ni Mae Cruz Alviar ay collaboration ng GMA Pictures, Star Cinema, at Regal Entertainment.
Related gallery: 'Love You So Bad' stars during the Media Night and Trailer Launch
Scroll to top
Comments
comments powered by Disqus