Will Ashley, Bianca De Vera, and Dustin Yu express hope for lower movie ticket prices | GMANetwork.com - Pictures - Articles

May panawagan ang ‘Love You So Bad’ stars tungkol sa pagpapababa ng presyo ng movie tickets.

Will Ashley, Bianca De Vera, and Dustin Yu express hope for lower movie ticket prices

By EJ CHUA

Kabilang sina Will Ashley, Dustin Yu, at Bianca De Vera sa showbiz personalities na umaasa at naniniwala na dapat ibaba ang presyo ng movie tickets sa bansa. 

Sa interview ni Aubrey Carampel sa Love You So Bad lead stars na ipinalabas sa 24 Oras, inilahad nila ang kanilang mga pananaw at panawagan patungkol dito. 

Sabi ni kay Will, “I believe na ‘yung sweldo na natatanggap ng mga tao ay hindi naman ganon kataas, sakto lang din po. Sana po [bumaba ang presyo ng tickets], para magkaroon po ng chance na maka-afford ‘yung mga tao na sakto lang po ‘yung sweldo.”

“Sana tulad ng dati, bumaba ang ticket prices,” ayon kay Bianca. 

Pahayag naman ni Dustin, “Mas maraming makakapanood, mas maraming magiging masaya kung mas magiging mababa ‘yung presyo ng mga sinehan.” 

Samantala, ongoing ang pagpapalabas ng Love You So Bad sa mga sinehan sa bansa.

Ang pelikula nina Will, Dustin, at Bianca ay collaboration ng GMA Pictures, Star Cinema, at Regal Entertainment.

Related gallery: Love You So Bad stars during the Media Night and Trailer Launch