Mika Salamanca, nanood ng 'Huwag Kang Titingin' kasama ang cast
April 27 2026
Marami na ang nag-enjoy sa takutan ngayong summer kasama ang chilling horror film na Huwag Kang Titingin.
Hindi lang netizens at fans ang sumabak sa kakaibang horror experience, pati na rin ang ilan sa mga paboritong Kapuso stars at celebrities.
Isa na rito ang The Secrets of Hotel 88 actress na si Mika Salamanca na nagpa-block screening sa The Podium kasama ang kanyang mga kaibigan.
Present din ang ilan sa cast ng Huwag Kang Titingin na sina Sofia Pablo, Allen Ansay, Marco, Michael Sager, Charlie Fleming, Kira Balinger, Josh Ford, at Sean Lucas.
Hindi rin nagpahuli sa barkada bonding ang The Secrets of Hotel 88 co-star na si Will Ashley.
"HORROR MOVIE WEEKEND WITH THE BARKADA? G! Mika Salamanca hosts a special block screening of ‘Huwag Kang Titingin’ in support of the film’s cast at The Podium,"ani GMA Pictures sa kanilang post.
Huwag palampasin ang horror film ng GMA Pictures at Mentorque Inc. na Huwag Kang Titingin sa mga sinehan nationwide!
Samantala, silipin ang Huwag Kang Titingin blockscreening ng fans sa gallery na ito:
Scroll to top
Comments
comments powered by Disqus