gabru

GABBI GARCIA, MAGBABAKASYON KASAMA SI RURU MADRID NGAYONG SUMMER

Mar 26, 2015 00:28 am

By AL KENDRICK NOGUERA

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com

Summer na, kaya naman marami sa atin ang pinaplanong magpunta sa beach para maramdaman ang init ng araw! Nang makausap ng GMANetwork.com ang upcoming InstaDAD star na si Gabbi Garcia, ibinahagi niya ang kanyang summer plans at kabilang dito ang makasama si Ruru Madrid!

Marami na ang nakakapansin sa sobrang closeness nina Gabbi at Ruru, kaya naman tinanong na namin kung ano ba ang real score sa kanila. "Wala, love team, very close. Kumbaga 'yung pagiging close namin, hindi nag-i-stop oncam. We still continue it offcam," sagot ng teen star.

Si Ruru raw talaga ang itinuturing niyang best friend sa showbiz. "Kahit walang work, we still get to bond. Kasi close na rin naman 'yung families namin so lumalabas kami, we watch movies," ani Gabbi.

Sa sobrang close nila, mayroon na raw silang plano this summer. Aniya, "Matagal na naming pinag-uusapan na trip namin talagang mag-Hong Kong."

"Gusto naming mag-Disneyland together kasi sobrang may childish side pa rin kami. We also want to go to Toy Story Land. 'Yung mga ganoong bagay lang, little things like that, na sana matuloy this summer," dagdag pa ng InstaDAD star.

Ayon kay Gabbi, kung magiging busy na sila pareho ni Ruru dahil mayroon din silang bagong show na Let The Love Begin, sana raw ay matuloy pa rin ang plano nila kahit out-of-town trip na lang.

STORIES