WCOPA medalist MJ Magno, tanggap ang ‘To The Top’ elimination dahil sa injury

September 1, 2015

By MARY LOUISE LIGUNAS

 
Hindi inasahan ni MJ Magno na siya’y maaaksidente sa rehearsal, magkakaroon ng knee injury, hindi makakapagperform sa fourth showdown at dahil doon ay ma-e-eliminate mula sa ‘To The Top’.
 
Para sa World Championship of Performing Arts 2014 medalist, pakiramdam niya ay hindi niya napaglaban ang kanyang pwesto sa first multi-platform boy band competition sa Pilipinas.
 
“Yung feeling na, for example, sundalo ka. Kailangan mong lumaban so dapat mamatay ka dun. Pero imbis na mamatay ka sa laban, nadapa ka or something like that. Parang ganun yung nangyari sa kin. Na-eliminate ako ng walang laban, parang ganun,” sabi niya.
 
Gayunpaman, tanggap niya ang nangyari at nagpapasalamat siya dahil naging parte siya ng programa at nagkaroon ng maraming kaibigan.
 
“Wala naman pong may gusto nung nangyari kaya tinanggap ko na lang… [Hindi ko makakalimutan ang mga pinagdaanan ko sa To The Top]. When I wake up, masaya po ako kasi gusto ko ang ginagawa ko, [I get to] improve my talent and personality every day. [I also get to] sleep at night knowing that I’ve accomplished [so much] not just for myself, but also for the people I love,” dagdag ng Go-Getter.
 
Kasalukuyang nagpapahinga si MJ para maka-recover at makalakad na ng hindi naka-saklay. Gayunpaman, hindi siya tumitigil sa pagpapabuti ng kanyang sarili.
 
“Habang nagpapagaling, I [continue] enhancing my talents. Nag-aaral po [ako] mag-gitara and [I’m] practicing new songs para sa mga future na performances. Ginagawa ko po ito kasi I will never give up on my dreams. [Naniniwala ako sa kasabihang] ‘Rest if you must, but do not quit.’”
 
Wala siyang pinagsisisihan at ngayon ay pakiramdam niyang abot-tanaw na ang kanyang mga pangarap.
 
“Lahat po ng na-experience ko sa ‘To The Top’ ay malaking bagay sa pag-abot ko ng pangarap ko. Halos about kamay ko na nga po eh. Dito ko napatunayan na everything is really possible. Ito pong injury ko, wala po ito. Hindi ako titigil hangga’t hindi ko naaabot yung pangarap ko,” aniya.

SEE ALL STORIES >