GMA Kapuso Foundation, tumatanggap ng cash donations para sa protective equipment laban sa COVID-19 | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Tumatanggap ng cash donations ang GMA Kapuso Foundation upang ipambibili ng protective equipment laban sa COVID-19.

GMA Kapuso Foundation, tumatanggap ng cash donations para sa protective equipment laban sa COVID-19

Maaari nang magpa-abot ng tulong via cash donations sa GMA Kapuso Foundation.

Ang perang malilikom dito ay ipambibili ng protective equipment tulad ng surgical masks, gloves, alcohol at hand sanitizers sa siya namang ido-donate sa mga health workers na nasa fronline ng laban kontra coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Narito ang mga back accounts kung saan maaaring mag-deposit.

 



Maaari ding mag-donate online sa www.gmanetwork.com/kapusofoundation/donate.

Dahil hinihikayat ang lahat na sumunod sa ipanatutupad na health guidelines tungkol sa social distancing, hindi muna tatanggap ng material donations ang GMA Kapuso Foundation.

Bahagi ito ng inilunsad na "Labanan Natin ang COVID-19" na naglalayong magbigay tulong sa mga medical aid workers na patuloy na nagibigay serbisyo para labanan ang virus.

Parte din ng kampanya ang iba't ibang public service announcements na nagbibigay impormasyon tungkol sa COVID-19 at sa mga sintomas na idinudulot nito.