GMA Kapuso Foundation nagdala ng rubber gloves at face shields sa 7 public hospitals sa Metro Manila | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Patuloy pa ring naghahatid ang GMA Kapuso Foundation ng tulong sa mga pampublikong ospital sa Metro Manila. 

GMA Kapuso Foundation nagdala ng rubber gloves at face shields sa 7 public hospitals sa Metro Manila

Sa ilalim ng #LabananNatinAngCOVID19 campaign, nagbigay tulong ang GMA Kapuso Foundation ng tulong sa ilang bayaning healthworkers at frontliners ng mahigit 20,000 pairs ng rubber gloves at 700 face shields sa iba’t ibang pampublikong ospital sa Metro Manila.

Ibinahagi ang good news na ito sa official Facebook page ng organisasyon, kung saan ipinakita ang pagbibigay ng serbisyong totoo sa mga nangangailangan. 

Ang pitong pampublikong ospital na dinayo ng GMA Kapuso Foundation ay ang mga sumusunod: Amang Rodriguez Hospital, Dr. Jose Rodriguez Memorial Hospital, National Children’s Hospital, Philippine Children’s Medical Center, Rizal Medical Center, Jose Reyes Memorial Medical Center, at Caloocan General Hospital. 

Kabilang sa tumulong ihatid ang donasyon at supplies na ito ang Joint Task Force NCR ng Armed Forces of the Philippines at hardware store na Wilcon Depot. 

Mga Kapuso, maari pa rin kayong mag-donate ng monetary at online donations na gagamitin sa pagbili ng mga kinakailangan pang medical supplies. 

Para sa mga nais mag donate online, maarin bisitahin lamang ang website na www.gmanetwork.com/kapusofoundation/donate. Maari rin mag-donate sa pamamagitan ng Cebuana Lhuillier sa lahat ng branches nationwide. 

GMA Network accepting donations for those affected by community quarantine

LIST: How to help frontliners during enhanced community quarantine