This is the official website of the Kapuso Foundation, the most accomplished, most trusted, and most credible non-government organization in the Philippines.
GMA Kapuso Foundation nakatulong sa 7 pampublikong ospital
April 02 2020
Muling nakapaghandog ang GMA Kapuso Foundation sa pitong pampublikong ospital.
Nagsagawa ang charity organization ng GMA Network ng distribution noong March 1, 2020 kung saan napuntahan nila ang sumusunod na ospital: Mandaluyong Medical Center, Ospital ng Muntinlupa, Ospital ng Paranaque, Novaliches District Hospital, Las Pinas General Hospital and Satellite Trauma Center, San Juan Medical Center, at Rosario Maclang Bautista General Hospital.
Mula sa nalikom na donasyon, nakapamahagi ang GMA Kapuso Foundation ng mahigit 21,000 pairs ng rubber gloves, 1,400 face shields, at 1,400 bottles ng 500ml 70% RHEA Isopropyl rubbing alcohol.
Sa mga nais pang magpaabot ng tulong, bisitahin lamang ang GMA Kapuso Foundation website.
Maari ring mag-donate sa pamamagitan ng Cebuana Lhuillier sa lahat ng branches nationwide sa account name na “GMA Kapuso Foundation.”
Puwede na rin mag-shopping at makatulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers sa Shopee.
Sundin lamang ang instructions sa ibaba.
Mga Kapuso, sama-sama nating labanan ang COVID-19.
Comments
comments powered by Disqus