GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa pangatlong batch ng mga pampublikong ospital | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Naghatid ng tulong ang GMA Kapuso Foundation sa pangatlong batch ng mga pampublikong ospital na lumalaban sa COVID-19.  

GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa pangatlong batch ng mga pampublikong ospital

By MARAH RUIZ

Nagbahagi ng ilang pang protective personal equipment o PPEs ang GMA Kapuso Foundation sa pangtlong batch ng mga pampublikong ospital na kasalukuyang lumalaban sa COVID-19.

Kabilang dito ang Mandaluyong Medical Center, Ospital ng Muntinlupa, Ospital ng Parañaque, Las Piñas General Hospital and Satellite Trauma Center, San Juan Medical Center at Rosario Maclang Bautista General Hospital na hinandugan ng GMA Kapuso Foundation ng face shields, rubber gloves at alcohol.

Katuwang pa rin ng GMA Kapuso Foundation ang Joint Task Force-NCR sa pamamahagi ng mga donasyon.

Sa kabuuan, 1,400 face shields, 21,000 pares ng gloves at 1,400 piraso ng alcohol na ang naipaabot ng GMA Kapuso Foundation sa mga ospital salamat sa cash donations mula sa Wilcon Depot, Inc., Wilfredo B. Revillame and WBR Entertainment Productions Corp., SGV Foundation, Inc., Ateneo Management Engineering Batch 1993 at sa material donations mula naman sa Ajinomoto Philippines Corp.

 



Patuloy ang GMA Kapuso Foundation sa paglikom ng pondo para mga medical supplies na ihahandog sa COVID-19 frontliners at sa mga pampublikong ospital sa ilalim ng kampanyang Operation Bayanihan: Labanan Natin ang COVID-19.

Kasama na rin dito ang pagbibigay ng grocery packs para sa mga pamilyang hindi makapaghanap buhay dahil sa enhanced community quarantine.

Maaaring mag-donate sa GMA Kapuso Foundation sa pamamagitan ng pagbisita sa kanilang official website.