Julie Anne San Jose at Maricris Garcia, nagbigay ng donasyon sa GMA Kapuso Foundation | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Nagbigay ng donasyon ang mga Kapuso singers na sina Julie Anne San Jose at Maricris Garcia sa GMA Kapuso Foundation.  

Julie Anne San Jose at Maricris Garcia, nagbigay ng donasyon sa GMA Kapuso Foundation

By MARAH RUIZ

Nagbigay ng donasyon sa GMA Kapuso Foundation ang mga Kapuso singers na sina Julie Anne San Jose at Maricris Garcia.

Inihandog nila sa Operation Bayanihan: Labanan Natin ang COVID-19 campaign ang talent fee na natanggap nila sa kanilang partisipasyon sa Lazada For Good, isang serye ng fundraising concerts ng e-commerce company na Lazada.

Nagkakahalaga ng P50,000 each ang ibignigay na donasyon nina Julie Anne at Maricris.

 

 


Patuloy ang GMA Kapuso Foundation sa paglikom ng pondo para mga medical supplies na ihahandog sa mga COVID-19 frontliners at sa mga pampublikong ospital sa ilalim ng kampanyang Operation Bayanihan: Labanan Natin ang COVID-19.

Kasama na rin dito ang pagbibigay ng grocery packs para sa mga pamilyang hindi makapaghanap buhay dahil sa enhanced community quarantine.

Maaaring mag-donate sa GMA Kapuso Foundation sa pamamagitan ng pagbisita sa kanilang official website.