GMA Kapuso Foundation, nakapag-abot ng tulong sa 45,800 tao | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Umabot na sa 45,800 tao ang natulungan ng GMA Kapuso Foundation sa Operation Bayanihan: Labanan ang COVID-19.  

GMA Kapuso Foundation, nakapag-abot ng tulong sa 45,800 tao

By MARAH RUIZ

Lubos ang pasasalamat ng GMA Kapuso Foundation sa mga partners, sponsors, donors at sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa sa Operation Bayanihan: Labanan ang COVID-19.
http://www.gmanetwork.com/covid19

Dahil sa mga donasyon, umabot na ang 45,800 nabigyan ng tulong sa dalawang buwang paglilibot ng GMA Kapuso Foundation.

Nakapagbigay na ng fully loaded Kapuso grocery packs sa mga residente Quezon City, Caloocan, Taguig, Malabon, at Manila, pati na sa mga karatig probinsiya na Rizal, Bulacan, Cavite at Laguna.

Naging posible din ang paghahatid ng serbosyo dahil sa tulong ng Armed Forces of the Philippines.

Patuloy ang GMA Kapuso Foundation sa paglikom ng pondo para mga medical supplies na ihahandog sa mga COVID-19 frontliners at sa mga pampublikong ospital sa ilalim ng kampanyang Operation Bayanihan: Labanan Natin ang COVID-19.

Kasama na rin dito ang pagbibigay ng grocery packs para sa mga pamilyang hindi makapaghanap buhay dahil sa enhanced community quarantine.

Maaaring mag-donate sa GMA Kapuso Foundation sa pamamagitan ng pagbisita sa kanilang official website.

Maari din bumili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Shoppee at Zalora, mag-convert ng Metrobank credit card rewards points, o gumamit ng PayMaya para mag-donate sa GMA Kapuso Foundation.