Mga mangingisdang hindi makapalaot, binigyang tulong ng GMA Kapuso Foundation | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Kabilang sa 3,000 residenteng natulungan ng GMA Kapuso Foundation sa Navotas ang mga mangingisdang hindi makapaglayag dahil sa sama ng panahon.

Mga mangingisdang hindi makapalaot, binigyang tulong ng GMA Kapuso Foundation

By MARAH RUIZ

Pinayagan na ang ilang mangingisda na pumalaot sa ilalim ng general community quarantine.

Pero hindi pa rin makappaglayag ang iba, tulad ng ilang mangingisda sa Navotas, dahil sa sama ng panahon ng dulot ng bagyong Buchoy.

Kaya naman inabutan sila ng tulong ng GMA Kapuso Foundation sa pamamagitan ng paghahatid ng GCQ family pack na may bigas, de lata, noodles, hotdog, tinapay, biskwit at sabong panligo at panlaba.

Bukod dito, nabigyan din sila ng washable cloth masks na proteksiyon sa COVID-19 bilang paggunita sa ika-70 anibersaryo ng GMA Network.

Sa kabuuan, 3,000 residente sa Navotas ang nahatiran ng tulong.

Nagpapasalamat ang GMA Kapuso Foundation sa Vikings Group of Restaurants, Oishi, Julie's Bakeshop, Frabelle Foods Bossing Hotdogs, Department of Health, Smart, Great Taste, at TNT para sa kanilang tulong at donasyon.

Katuwang pa rin sa pamamahagi ang Joint Task Force-NCR ng AFP, pati na ang Navotas City Police.


Patuloy ang GMA Kapuso Foundation sa paglikom ng pondo para mga medical supplies na ihahandog sa mga COVID-19 frontliners at sa mga pampublikong ospital sa ilalim ng kampanyang Operation Bayanihan: Labanan Natin ang COVID-19.

Kasama na rin dito ang pagbibigay ng grocery packs para sa mga pamilyang hindi makapaghanap buhay dahil sa enhanced community quarantine.

Maaaring mag-donate sa GMA Kapuso Foundation sa pamamagitan ng pagbisita sa kanilang official website.

Maari din bumili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Shoppee at Zalora, mag-convert ng Metrobank credit card rewards points, o gumamit ng PayMaya para mag-donate sa GMA Kapuso Foundation.