GMA Kapuso Foundation, tumatanggap ng donasyon para batang may portal vein thrombosis | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Madalas sumuka ng dugo ang sampung taong batang si Yuan dahil sa kundisyong portal vein thrombosis.

GMA Kapuso Foundation, tumatanggap ng donasyon para batang may portal vein thrombosis

By MA

Dahil sa banta ng COVID-19, bumaba ang supply ng dugo sa iba't ibang ospital dahil na rin sa dalang ng mga nagdo-donate ng dugo.

Isa sa mga apektado dito ang sampung taong gulang na si Yuan na may kundisyong portal vein thrombosis, Nagdudulot ito ng pasakit ng kanyang ulo at madalas na pagsusuka ng dugo kaya naman madalas siyang kailangang salinan ng dugo.

"'Yung portal hypertension ibig sabihin tumataas' yung presyon doon sa daanan or daluyan ng dugo papaunta po sa atay. 'Pag sobrang taas po ng presyon, doon po may mga pumuputok na varices po. Ang mga pasyente po na may portal vein thrombosis prone po sila na magdugo," paliwanag ni Dr. Precious Velasco, pediatric gastroenterlogy fellow sa Philippine Children's Medical Center kung saan nagpapagamot si Yuan.

Dahil dito, nananawagan ng blood donations ang ospital para kay Yuan at sa iba pa nilang pasyente.

Maaaring magpa-schedule sa Philippine Children's Medical Center Blood Bank mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 am to 5:00 pm. Tumawag lang sa 8558-9900 local 352.

Nananawagan din para sa blood donations ang Philippine Red Cross. Maari naman magpa-schedule dito mula Lunes hanggang Linggo, 8:00 am to 5:00 pm. Tawagan lang si Dr. Sheryl Tonelete sa 09178348276.

Bukod sa pagsasalin ng dugo, kailangan din dumaan ni Yuan sa endoscopy with rubber band ligation na isang procedure para mapaliit ang apektadong ugat.

Sa mga nais tumulong sa kanya, bumisita sa official website ng GMA Kapuso Foundation.

Samantala, panoorin din ang video na ito para mas maintindihan ang kundisyon ni Yuan at kung paano makakatulong sa kanya: