Sidecar driver, sinorpresa ng simpleng handa ng GMA Kapuso Foundation | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Hinandugan ng simpleng handa ng GMA Kapuso Foundation ang isang sidecar driver na patuloy na kumakayod para sa kanyang pamilya.  

Sidecar driver, sinorpresa ng simpleng handa ng GMA Kapuso Foundation

By MARAH RUIZ

Nakilala ng GMA Kapuso Foundation si Jayson "Athiena" Versoza, 26 years old na mahilig sumali ng iba't ibang beauty pageants bilang raket.

"Kada fiesta po, rumarampa po ako para kahit papano po meron o akong income na kahit P300-400. Sumasali po ako ng Suffer Sireyna sa Eat Bulaga po," kuwento niya.

Pero dahil sa COVID-19, tumugil muna ang ganitong mga pagkakataon para sa kanya.

Pinasok na muna niya ang iba't ibang raket tulad ng pamamasada ng sidecar, online selling at pagtitinda ng fishballs pero sadyang mahirap kumita dahil sa pandemic.  

"Kumita lang po ng P250 okay na po," ani Jayson.

Second year high school na sana siya sa pasukan pero dahil sa kakulangan ng pera, hindi muna siya makakapasok.

Bilang pagkilala sa kanya, niregaluhan ng GMA Kapuso Foundation si Jayson ng simpleng handa para sa kanyang kaarawan.

Bukod dito, hinandugan din siya at ang 2,000 niyang mga kabarangay ng GCQ family packs.

Katuwang sa pamamahagi ang AFP Joint Task Force-NCR at Police Community Precint 5 ng Valenzuela Police.

Pero hindi lang si Jayson ang dapat magdiwang dahil birthday din ni GMA Kapsuo Foundation Founder and Ambassador Mel Tiangco kahapon, August 10.

 

 


Binigyan din siya ng simpleng handa at mga pagbati ng iba't ibang partners ng GMA Kapuso Foundation.

May simpleng hiling din si Tita Mel para sa kanyang kaarawan.

"Please, please perform a miracle for all of us. Perform a miracle for all of the whole world. Tanggalin niyo na po ang COVID," dasal niya.

Happy birthday, Tita Mel!

Sa mga nais pang mag-abot ng tulong, bumisita lang sa official website ng GMA Kapuso Foundation.