GMA Kapuso Foundation, patuloy na tumatanggap ng mga donasyon para sa school supplies | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Patuloy na tumatanggap ng mga donasyon ang GMA Kapsuso Foundation para sa school supplies na ipapamahagi bilang bahagi ng 'Unang Hakbang sa Kinabukasan Project.'

GMA Kapuso Foundation, patuloy na tumatanggap ng mga donasyon para sa school supplies

By MARAH RUIZ

Kasabay ng relief efforts habang may COVID-19 pandemic, hindi pa rin nakalimutan ng GMA Kapuso Foundation ang halaga ng edukasyon para sa mga bata.

Kaya naman patuloy ito sa proyektong Unang Hakbang sa Kinabukasan na naglalayong maghatid ng school supplies sa 80,000 students ngayong parating na pasukan.

"Bukod sa proyketong Operation Bayanihan: Labanan Natin ang COVID-19, isinasagawa na rin po natin ang Unang Hakbang sa Kinabukasan project para makatulong sa mga mag-aaral na incoming kinder at Grade 1 sa iba't ibang pampublikong eskuwelahan sa bansa," pahayag ni GMA Kapuso Foundation Founder and Ambassador Mel Tiangco.

Nanawagan din siya para sa mga donasyon para sa proyekto.

"Lumilibot po ang GMA Kapuso Foundation para maghatid ng mga gamit pang eskuwela kaya ano mang halaga ang inyong donasyon, malaking ambag po 'yan para sa ating mga mag-aaral. Sa mga nais pang mag-donate, pumunta lang sa GMANetwork.com/KapusoFoundation/Donate. Muli, buong puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng patuloy naming kaagapay sa aming mga prayekto," aniya.

Una nang naghatid ng school supplies ang GMA Kapuso Foundation sa Masbate, Albay at Camarines kamakailan.

Sa mga nais pang mag-abot ng tulong, bumisita lang sa official website ng GMA Kapuso Foundation.