FFCCCII, nag-abot ng relief packs at trapal sa GMA Kapuso Foundation para sa Bicol | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Nagpa-abot ng relief packs at trapal ang Federation Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry Incorporated sa GMA Kapuso Foundation bilang donasyon sa mga nasalanta ng bagyo sa Bicol.

FFCCCII, nag-abot ng relief packs at trapal sa GMA Kapuso Foundation para sa Bicol

By MARAH RUIZ

Katuwang na ng GMA Kapuso Foundation ang Federation Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry Incorporated (FFCCCII) sa ilang nakaraang mga proyekto nito kabilang ang pagpapatayo ng eskuwelahan sa Marawi at COVID-19 relief efforts.

Ngayong panahon ng bagyo, muling naging katuwang ng GMA Kapuso Foundation ang FFCCCII sa pagbibigay ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Rolly sa Bicol.

Nag-turnover ang FFCCCII sa GMA Kapuso Foundation ng 15 toneladang relief packs na may lamangbigas, de lata, biskwit at toothpaste.

Bukod dito, nag-donate din sila ng mga bago at matibay na trapal para gawing temporary cover ng mga nasirang bubong ng 400 bahay na nasira ng bagyo sa Bicol.

"Wala kaming miyembro diyan sa Catanduanes pero we are happy that nandito na ang GMA Kapuso Foundation saka ang Coast Guard para makarating itong mga relief goods natin sa kanila," pahayag ni Dr. Henry Lim Bon Liong, president of FFCCCII.

"Kami sa Filipio Chinese Community ay nakipag-partner sa GMA Kapuso Foundation dahil sa aming tiwala at kumpiyansa sa kanilang integridad," dagdag pa niya.

Katuwang ng GMA Kapuso Foundation ang Coast Guard sa pagdadala ng mga donasyon sa Bicol.

Kasama rin ang AFP, Philippine Army 9ID, at PG Flex sa operasyon.

 

 

Donations for Bicol

Nakatakda nang bumyahe patungong Bicol ang dalawang truck na ipinahiram Philippine Coast Guard sakay ang relief goods at iba pang donasyon.

Handa na rin ang GMA Kapuso Foundation sa Catanduanes para sa bagyong Ulysses. Kapag bumiti ang panahon, agad nang  ipapamahagi sa mga naapektuhang residente doon ang tulong.

Lubos na nagpapasalamat ang GMA Kapuso Foundation sa mga donors dahil sa walang sawa nilang tulong, 30,000 indibidwal sa Bulacan, Bataan, Quezon, Camarines Sur, Albay at Catanduanes na ang naabutan ng tulong.

Samantala, sa mga nais mag-abot ng tulong GMA Kapuso Foundation, bumisita lang sa official website nito.