GMA Kapuso Foundation calls for donations for victims of Typhoons Rolly and Ulysses | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Kumakatok ang GMA Kapuso Foundation sa mga taong maaring makapaghatid ng tulong sa mga kababayan natin na nasalanta ng bagyong Rolly at Ulysses. 

GMA Kapuso Foundation calls for donations for victims of Typhoons Rolly and Ulysses

By CARA GARCIA

Mahigit isang linggo matapos ang hagupit ni Typhoon Rolly, nahaharap muli sa panganib ang ating mga kababayan sa Metro Manila, Northern at Souther Luzon, Bicol region, Quezon Province, at iba pang parte ng Luzon dahil sa Typhoon Ulysses. 

Kaya naman muling dumudulog ang GMA Kapuso Foundation sa inyong mga puso upang makapaghatid ng tulong at pag-asa sa ating mga kababayan na dumaraan sa bagong pagsubok. 

Upang makatulong sa mga naapektuhan ng dalawang bagyo, maaring bisitahin ang GMANetwork.com/KapusoFoundation/Donate para sa iba pang impormasyon.