GMA Kapuso Foundation, naghatid ng protective supplies as pampublikong ospital sa labas ng NCR | GMANetwork.com - Foundation - Articles

15 pampublikong ospital sa labas ng NCR ang hinatiran ng protective supplies ng GMA Kapuso Foundation.

GMA Kapuso Foundation, naghatid ng protective supplies as pampublikong ospital sa labas ng NCR

By MARAH RUIZ

Nagsagawa ang GMA Kapuso Foundation ng nationwide distribution ng protective supplies noong kasagsagan ng COVID-19 surge sa iba't ibang probinsiya.

Sa tulong ng Philippine Army, narating ng GMA Kapuso Foundation ang ilang pampublikong ospital sa Cebu, Davao, Iloilo, Bukidnon, at Misamis Oriental.

 

 

Si Bernard Bryan de Leon, isang nurse sa Ramon Tabiana Memorial District Hospital sa Iloilo, patuloy na nagbibigay ng serbisyo sa kanyang mga pasyente.

"Napakagaan sa loob magtrabaho kasi 'yung appreciative sila, 'yung nagte-thank you sila. Kinakamusta nila ako," kuwento ni Bernard.

Doble ingat din si Leni Gumban, isang nurse sa Federico Roman Tirador Sr. Memorial District Hospital sa Iloilo, para hindi niya madala ang virus sa pamilya lalo na at may lolo siyang 95 years old.

Tinamaan siya ng COVID-19 noong Agosto pero buti na lang wala siyang nahawahaan sa pamilya.

"I take every person na patient ko close to my heart kasi mas mare-render mo 'yung care na dapat sa kanila," pahayag naman ni Leni.

Kabilang sina Bernard at Leni sa mga makikinabang sa protective supplies na hatid ng GMA Kapuso Foundation sa sa 15 pampublikong ospital na sa mga probinsynag nasa listahan ng may mataas na cases ng COVID-19 sa labas ng NCR.

Katuwang ng GMA Kapuso Foundation sa proyektong ito ang STC Paper and Plastic Packaging Solutions, Procter and Gamble Philippines Inc, EM-Core, 24 Alkaline C, Wyler Enterprises Inc., at Joint Task Force-NCR.

Sa mga nais mag-abot ng tulong sa Operation Bayanihan at sa iba pang mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.

Maaari ding magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier, PayMaya,  GCash at Globe Rewards.

Maarai din mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa sa Shopee, Zalora at Mega Mart.