GMA Kapuso Foundation, nagpamahagi ng prosthetic arms sa Cebu | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Siyam na indibidwal ang nabigyan ng prosthetic arm ng GMA Kapuso Foundation sa Cebu.  

GMA Kapuso Foundation, nagpamahagi ng prosthetic arms sa Cebu

By MARAH RUIZ

Nakagawa ng improvised prosthetic arm si Eliseo Rodriguez ng Lapu-Lapu City gamit ang isang plastic bottle, PVC pipe, at electrical tape.

Naputol ang isa sa kanyang mga kamay dahil sa aksidente. Tila nawalan siya ng pag-asa noon pero dahil sa tulong ng kanyang pamilya, muli na siyang nakakapagtrabaho.

Isa siyang karpintero sa opisina ng AFP sa Cebu at tumatanggap pa ng iba't ibang raket.

"'Yung dati, dalawa pa 'yung kamay ko ay normal po 'yung patatrabaho. So ganito, 'yung wala na 'kong kamay na isa, bale po, kailangan po talaga ko ng assist," pahayag niya.

Ipinanganak namang iisa ang kamay at hindi kumpleto ang isang paa si Renato Entis.

Nagtatrabaho naman siya bilang isang habal-habal driver.

"Kahit ganito ako, mayroon taong sumasakay sa akin. Makabili din ako ng bigas," kuwento ni Renato.

Kabilang sina Eliseo at Renato sa siyam na indibidwal na nabigyan ng GMA Kapuso Foundation ng libreng prosthetic hand sa Cebu City at Cebu province katulong ang LN4 Foundation at Naked Wolves Philippines.

 

 

Nagpapasalamat din ang GMA Kapuso Foundation sa pakikiisa ng Colgate-Palmolive Philippines at International Pharmaceutical Incorporated sa proyekto.

Para sa mga nais magkaroon ng hand and arm prosthetic, ipadala lang ang sumusunod na impormasyon sa official Facebook page ng GMA Kapuso Foundation.

1. Pangalan
2. Edad
3. Address
4. Contact number
5. Whole body picture
6. Barangay certificate of indigency
7. Maikling paliwanag kung paano naputulan ng kamay o braso

Siguraduhing may blue check ang Facebook account na padadalhan ng impormasyon para masigurong ito ang tamang page ng GMA Kapuso Foundation.

 

 

 


 

Sa mga nais mag-abot ng tulong sa mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.

Maari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier, PayMaya,  GCash, Globe Rewards, at Metrobank credit card.

Maari ring mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa sa Shopee, Zalora, Mega Mart, at Lazada. 

 

Comments

ShareThis Copy and Paste
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.