Mga mangingisda, kabilang sa mga natulungan ng GMA Kapuso Foundation sa Bantayan, Cebu | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Nagmahagi ng food packs at groceries ang GMA Kapuso Foundation para sa mga residente ng Bantayan, Cebu.

Mga mangingisda, kabilang sa mga natulungan ng GMA Kapuso Foundation sa Bantayan, Cebu

By MARAH RUIZ

Isa sa mga pinagmamalaking produkto ng Bantayan, Cebu ang dinaing na isda.

Pero tuwing tagtuyot, minsan ay dalawang kilo ng danggit lang ang huli sa maghapong pangingisda ni Ronel Espinosa. Paghahatihatian pa nila ito ng dalawa pa niyang kasamahanan.

Kaya naman si Ronel, rumaraket pa bilang isang pedicab driver.

"Kaunti lang po ang aming nakukuha sa dagat. Mga kadalasan pong isda ay danggit at hilinggiro na maliliit. Kapag masama po ang panahon, nagpapadyak ako para makaraos sa araw araw," pahayag ni Ronel.

Ang asawa niyang si Charie Espinosa, naglalabada para makadagdag sa panggastos nila.

"Wala rin po masyadong nagpapa-labada sa akin ngayon. 'Yung mga suki ko, nawalan ng trabaho at 'yung iba, nahinto dahil sa pandemic," kuwento naman ni Charie.

Pangingisda ang pangunahing hanapbuhay sa Bantayan Island. Kung hindi namamatay ang mga isda dahil sa sobrang init, lumilipat ang mga ito sa mas malalaim na tubig dahil mas malamig doon.

Dahil dito, nagtitiis muna sa maliit na huli ang mga mangingisda.

 

Operation Bayanihan

 


Bilang tulong sa mga residente, nagtungo ang GMA Kapuso Foundation sa kanilang lugar para mamahagi ng groceries at food packs bilang bahagi ng Give A Gift Alay sa Batang Pinoy project ngayon bagong taon.

Katuwang ng GMA Kapuso Foundation sa proyekto ang Philippine Army 3rd Infantry Division, 82nd Infantry Brigade, Delta Company; PNP Bantayan, Cebu; LGU ng Bantayan, Cebu; at Philipine Airlines Foundation.

Sa mga nais mag-abot ng tulong sa mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.

Maari ding magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier, PayMaya,  GCash, Globe Rewards at Metrobank credit card.

Maari din mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa sa Shopee, Zalora, Mega Mart at Lazada.