GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 1,160 indibidwal sa Bais City, Negros Oriental | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Naghatid ang GMA Kapuso Foundation ng tulong para sa 1,160 indibidwal na nasalanta ng bagyong Odette sa Bais City, Negros Oriental.  

GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 1,160 indibidwal sa Bais City, Negros Oriental

By MARAH RUIZ

Matapos ang mahigit isang buwan matapos manalasa ng bagyong Odette, kita pa rin ang pinsala nito sa Bais City, Negros Oriental.

Sa Brgy. Cabanlutan, balot pa rin ng putik ang mga daaan. Nasira rin ang health center at spillway sa lugar.

Sa tala ng Bais City DRRMO, 69 ang totally damaged houses, habang 142 partially damaged sa Brgy. Cabanlutan.

"Nakakatakot po talgaa. 'Yung tubig, umaapaw na po talaga. Malaki, hanggang dito [sa dibdib] na po. Malaki na talaga 'yung tubig, tapos marami pang mga kahoy na dumadaan," pahayag ni Cathy Jean Jaro, isa sa mga residente ng nawalan ng tirahan.

Mabuti na lang at agad silang nakalikas ng kanilang pamilya.

Matinding takot din ang naramdaman ng eight-year-old na si Nigel Jabonilla, na nawalan din ng tirahan.

"Nasa kisame kami. Lilikas sana kami kaso nagtumbahan na ang mga puno ng niyog. Hindi na kami tumuloy sa takot na matumbahan ng puno. Pero umalis na rin kami ngayon sa bahay kasi hindi na puwedeng tirahan," kuwento ni Nigel.

 

operation bayanihan

 


Bilang tulong sa pagbangon ng mga residente sa Bais City, Negros Oriental, namahagi ang GMA Kapuso Foundation ng groceries, food packs at hygiene kits para sa 1,160 indibidwal bilang bahagi ng Give A Gift: Alay sa Batang Pinoy project ngayong bagong taon.

 

 


 

Katuwang sa proyektong ito ang Armed Forces of the Philippines Visayas Command; Philippine Army 302nd Infantry Brigade 11th Infantry Battalion; Provincial Government of Negros Oriental; Bais LGU; Nivea; Hana; FERESHTEHBeauty; Pinakamasarap Corporation; Philippine Airlines Foundation; at F2N Marketing-Theobroma C.

Sa mga nais mag-abot ng tulong sa mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.

Maari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier, PayMaya,  GCash, Globe Rewards, at Metrobank credit card.

Maari ring mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa sa Shopee, Zalora, Mega Mart, at Lazada.