GMA Kapuso Foundation, ipapaayos ang mga paaralan sa Limasawa Island | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Ipapaayos ng GMA Kapuso Foundation ang mga paaralang nasira ng bagyong Odette sa Limasawa Island.

GMA Kapuso Foundation, ipapaayos ang mga paaralan sa Limasawa Island

By MARAH RUIZ

Bukod sa mga bahay, napinsala din ng bagyong Odette ang mga paaralan sa Limasawa Island.

Para sa 1,480 estudyante sa munisipalidad ng Limasawa, may anim lang ang mga paaralan.

Kabilang ang San Bernardo Elementary School (65 enrollees), Lugsongan Elementary School (113 enrollees), San Agustin Elementary School (79 enrollees), Triana Elementary School (215 enrollees), Magallanes Elementary School (241 enrollees), at Limasawa National High School (767 enrollees.)

Lahat ng mga ito, napinsala ng bagyong Odette.

 

Kapuso School Development

"Most of the school buildings were damaged and unroofed. They are now preparing for face-to-tace classes," pahayag ni Remigilda Salomon, Sangguniang Bayan Secretary & Tourism Officer sa Limasawa.

Ang Magallanes Elementary School, may kakaibang diskarte para maipagpatuloy ang pagbibigay ng kalidad na edukasyon sa kanilang mga mag-aaral. Limang estudyante ang pinapapunta sa school para maturuan ng guro.

"Ang Magallanes ay gumawa ng intervention. Nakita rin namin na hindi talaga conducive to learning 'yung ibang mga bahay," paliwanag ni Flordeliza Dalupere, principal ng Magallanes Elementary School.

Umikot ang GMA Kapuso Foundation sa Limasawa Island para makita ang sitwasyon ng mga paaralan. Mag-uumpisa na rin itong mamili ng paaralan na ipapaayos sa ilalim ng Kapuso School Development Project.

Nagpapasalamat ang GMA Kapuso Foundation sa suporta ng Armed Forces of the Philippines, VISCOM; Philippine Army, 8th Infantry Division, 802nd Infantry Brigade, 14th Infantry Battalion, 82nd Civil Military Operation Battalion, 8th Regional Community Defense Group; Philippine Coast Guard-Eastern Visayas; Philippine National police; Sogo Cares by Hotel Sogo; Adamson Medtex International Corporation.

Sa mga nais mag-abot ng tulong sa mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.

Maaari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier, PayMaya,  GCash, Globe Rewards, at Metrobank credit card.

Maaari ring mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Shopee, Zalora, Mega Mart, at Lazada.