GMA Kapuso Foundation at Philippine Association of Private School Dentists, nagbigay ng libreng dental service | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Binigyan ng GMA Kapuso Foundation at Philippine Association of Private School Dentists ng libreng dental service ang mag-inang napabayaan ang kanilang oral health dahil sa pandemya.

GMA Kapuso Foundation at Philippine Association of Private School Dentists, nagbigay ng libreng dental service

By MARAH RUIZ

Dahil sa pandemya, napabayaan na ni Geraldine Escoton ang kaniyang mga ngipin. Tatlong taon siyang nagtrabaho sa catering service kaya dapat palangiti.

"Sobrang hirap po ng wala kang ipin kasi noong una, 'yung customer, titingin kasi sa mata mo. Siyempre, customer, kailangan naka ngiti ka. Nawalan po talaga ako ng confidence sa sarili ko noong ganoon," kuwento ni Geraldine.

Dahil sa pandemic, nawalan siya ng trabaho at nangalakal na lang muna sa kanilang lugar.

Minsan, asin ang pinanlilinis niya ng ngipin. Ganito rin ang kaniyang 13-year-old na anak na si Jerwin na nagtrabaho naman sa construction.

"Sodium chloride, which is asin, ay nakakatulong naman siyang magpalinis. Idi-discourage ko na huwag nang gumamit ng asin. Marami naman toothpaste ngayon sa market na with fluoride," pahayag ni Dr. James Olayvar, presidente ng Philippine Association of Private School Dentists.

Na-delay din ang pagpapasukat ni Geraldine ng pustiso dahil sa mataas na COVID-19 cases.

Ngayong ipapatupad na ang Alert Level 1 sa NCR, inaasahang babalik na ang pang araw araw na trabaho ng mga tao kaya sakto ang regalong handog ng GMA Kapuso Foundation at Philippine Association of Private School Dentists kay Geraldine at Jerwin sa ilalim ng Ngiting Kapuso project.

 

Ngiting Kapuso project

 

"Bibigyan ko sila ng libreng pustiso to enhance their self-confidence. Ganoon din doon kay jerwin, 'yung son niya, kumpleto naman ang ipin pero sa ngayon, napakalinis. Mayroon lang akong ginawang pasta," paliwanag ni Dr. Olayvar.

"Brushing is a must, kahit naka mask," dagdag pa ni Dr. Olayvar.

Nagpapasalamat ang GMA Kapuso Foundation sa pakikiisa ng Dr. James Olayvar, Philippine Association of Private School Dentists, at Heaven's Heart sa Ngiting Kapuso project.

Sa mga nais mag-abot ng tulong sa mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.

Maari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier, PayMaya,  GCash, Globe Rewards, at Metrobank credit card.

Maari ring mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Shopee, Zalora, Mega Mart, at Lazada.