March 04 2022
November 2019 nang maaksidente habang nagmamaneho ng motor nang nakainom si Lou Matthew Deri.
Ayon sa kaniya, sa mismong oras pa lang ng aksidente, alam na niyang hindi na maisasalba ang kaniyang kaliwang kamay.
"Nagsisi lang ako kasi hindi na sana kami umalis pa noon. Natutunan ko po na huwag nang mag-drive po 'pag nakainom at maging masunurin po sa magulang," pahayag ni Lou Matthew.
Naging masakit para sa 20-anyos na lalaki na tanggapin ang pagkaputol ng kaniyang kamay dahil pangarap niya noong maging basketball player at chef.
Inspirasyon ni Lou Matthew ang kaniyang nanay, isang solo parent at nagtatrabaho bilang isang rider.
"Masipag talaga siya. Nagbibigay po [siya] ng mga flyer sa mga bahay para kumita po siya ng pera," paglalarawan ni Marinor Agdan tungkol sa anak na si Lou Matthew.
Ang lola naman ni Lou Matthew ang naghanap ng prosthetic hand para sa kaniyang apo.
"Araw araw nakikita ko 'yung ganong kalagayan niya kasi ako ang nahihirapan," kuwento ni Rodora Agdan, lola ni Lou Matthew.
Agad itong tinugunan ng GMA Kapuso Foundation at LN-4 Foundation na naghandog ng prosthetic hand para kay Lou Matthew.
"Bukod don sa normal na prosthetic hands, which is eto normally naka dikit siya dito, nag-improvise tayo ng extension para halos pumantay siya doon sa kabilang kamay niya," paliwanag ni Anthony John Untalan ng LN-4 Foundation tungkol sa prosthetic hand para kay Lou Matthew.
Tamang tama ang dating ng kaniyang prosthetic hand dahil nais na ni Lou Matthew na bumalik sa pag-aaral at makapagtrabaho.
"Balak ko pong mag-rider gamit po [ang] bike para po kahit papano may kinikita po," lahad niya.
Sa mga nangangailan ng prosthetic hand, makipagugnayan sa GMA Kapuso Foundation sa pamamagitan ng mga sumusunod na detalye:
Nagpapasalamat ang GMA Kapuso Foundation sa pakikiisa ng LN-4 Foundation, nina Rey and Grace Cabato, at Nakedwolves Philippines sa proyektong ito.
Sa mga nais mag-abot ng tulong para kay Gadiel sa ilalim ng Bisig-Bayan Medical Assistance project at sa iba pang proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.
Maari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier, PayMaya, GCash, Globe Rewards, at Metrobank credit card.
Maari ring mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Shopee, Zalora, Mega Mart, at Lazada.
advertisement
advertisement
Comments
comments powered by Disqus