March 07 2022
Pitong miyembro ng pamilya Duclay, na mula sa Cainta, Rizal, ang nagtamo ng pinsala dahil sa tumagas ng LPG tank.
"Malakas po ang sirit noong gas doon sa tangke mismo. Kukuha po sana ako ng tuwalya na basa para takpan po namin 'yung tangke. Kaya lang po, pagbaba ko sa hagdan, bigla na pong may sumunod na apoy sa likod ko," paggunita ni De Duclay-Agustin, isa sa mga na-aksidente.
Ipinaliwanag naman ni FO3 Ken Allen Tolentino, chief operations/FTDO, Bureau of Fire Protection Region IV-A, CALABARZON, ang nangyari.
"Nag-leak po [ang tangke]. 10 meters away, nagluluto po sila gamit po 'yung kahoy. Nahanap po 'yung ignition source which in turn po nagkaroon po tayo ng explosion," paliwanang ni FO3 Tolentino.
Limang miyembro ng pamilya Duclay ang na-admit sa ospital. Ang mga nagtamo ng pinakamatinding paso ay si nanay Lourdes at ang batang si Prince, na nagkaroon pa ng pneumonia dahil sa nalanghap na usok.
"Sa five members, second degree burns lang po ang mayroon sila, so there's no need naman po for surgery. However, they had to be admitted and hydrated. We do daily dressing. We apply the burn cream po na may antibacterial properties," paliwanag naman ni Dr. Ana Patricia G. Aninang-Protacio, reconstructive and aesthetic surgeon, fellow-in-training tungkol sa gamutan ng pamilya.
Kung sakaling makaranas ng pagtagas ng LPG tank, nagbigay naman ng ilang hakbang na damat sundin si SInsp. Gabriel G. Solano, Chief of Materials Production and Development Section, FSID.
"If ever nga ganoon, nagli-leak na, sumisirit na 'yung tangke, huwag matakot. I-approach 'yung nozzle niya or 'yung valve niya and then isara lang," bahagi ni SInsp. Solano.
Samantala, lailangan pa rin ng tulong ng pamilya Duclay para sa patuloy nilang gamutan lalo na at may kamahalan ang burn ointment at mga gamot laban sa impeksiyon.
"Nananawagan po ako kung maari niyo po kaming tulungan. Kapag lumabas po sila sa opital, nangangailanagn pa rin po sila ng mahabahaba pa pong gamutan," panwagan ni Fe.
Sa mga nais mag-abot ng tulong para sa pamilya Duclay at sa iba pang proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.
Maari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier, PayMaya, GCash, Globe Rewards, at Metrobank credit card.
Maari ring mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Shopee, Zalora, Mega Mart, at Lazada.
advertisement
advertisement
Comments
comments powered by Disqus