GMA Kapuso Foundation, nakalikom ng 216 blood bags sa isinagawang bloodletting project
March 08 2022
By MARAH RUIZ
Hindi bumababa ang mga taong nangangailangan ng dugo kaya patuloy ang GMA Kapuso Foundation sa pagsasagawa ng bloodletting projects sa mga komunidad at opisina na may open air spaces.
Nagsagawa ang GMA Kapuso Foundation ng Sagip Dugtong Buhay bloodletting project katuwang ang Philippine Army at Philippine Red Cross sa Fort Bonifacio.
Isa rin itong paraan para ipagdiwang ang 125th founding anniversary ng Philippine Army kung saan nakalikom naman ng 216 blood bags.
"Minsan may nagkakasakit na nahihirapang maghanap ng dugo. Kaya from time to time, 'yung kasundaluhan natin at saka 'yung ibang units, natatawagan para magbigay ng dugo," pahayag ni Maj. Gen. Henry Doyaoen, Vice Commander, Philippine Army.
Mahigpit pa rin ipinatutupad ang health and safety protocols sa bloodletting event.
"Medyo nagsisimula na pong bumalik ang ating mga blood-donating events. However, kahit po bumalik na po siya we still maintain 'yung standards po natin," paliwanag naman ni Dr. Gerald Valeriano, medical officer ng Philippine Red Cross.
Sa mga komunidad na interesdo na magsagawa ng bloodletting sa kanilang lugar, ang GMA Kapuso Foundation na ang sasadya sa inyo. Makipag-ugnayan lang sa sumusunod na mga telephone numbers.
Nagpapasalamat ang GMA Kapuso Foundation sa patuloy na pakikiisa ng Philippine Army at Philippine Red Cross sa Sagip Dugtong Buhay bloodletting project.
Sa mga nais mag-abot ng tulong sa iba pang proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.
Maaari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier, PayMaya, GCash, Globe Rewards at Metrobank credit card.
Puwede ring mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Shopee, Zalora, Mega Mart at Lazada.
Comments
comments powered by Disqus