GMA Kapuso Foundation, nagbigay ng pustiso, makeover, at iba pang regalo sa isang nanay | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Handog ng GMA Kapuso Foundation ang pustiso, makeover, at marami pang ibang regalo sa isang nanay sa Antipolo, Rizal.

GMA Kapuso Foundation, nagbigay ng pustiso, makeover, at iba pang regalo sa isang nanay

By MARAH RUIZ

Naibalik na ang ngiti ni Geraldine Escoton, mula sa Antipolo, Rizal sakto para sa kanyang kaarawan ngayong buwan.

Nahandugan kasi siya ng pustiso ng GMA Kapuso Foundation katuwang ang Philippine Association of Private School Dentists sa ilalim ng Ngiting Kapuso project.

"Sobrang napakasaya ko po kasi nakangiti na po ako nang maayos. Magandang regalo po sa akin ito. First time ko pong magkaroon ng pustiso," pasasalamat ni Geraldine.

"Kung wala kasing ipin, parang wala kang tiwala sa sarili mo dahil unang una hindi ka maka-smile. Hindi fully confident. Ngayon, kung may ipin ka na, puwede ka nang tumawa. 'Yan ang benefit ng isang denture," pahayag ni Dr. James Olyavar.

 

Ngiting Kapuso Project

Bukod sa problema sa ngipin, nawalan din siya ng trabaho dahil sa pandemic. Pangangalakal at pagre-rebond sa mga kapitbahay ang kanyang pinagkakakitaan para may pangtustos sa araw-araw pero nanghihiram lang ng gamit para sa home service si Geraldine.

Kaya naman bukod sa pustiso, niregaluhan pa siya ng GMA Kapuso Foundation ng groceries at gamit sa pagre-rebond ng buhok.

Dahil buwan din ng kababaihan, dinala pa siya ng GMA Kapuso Foundation sa salon para sa kanyang first ever makeover.

Bukod dito, pinaturuan pa siya ng wastong pamamaraan ng pag-rebond ng buhok.

"Nagpapasalamat po ako sa GMA Kapuso Foundation na hindi lang din pustiso ang binigay sa akin kundi 'yung panggamit ko rin sa pang-rebond," mensahe ni Geraldine.

Nagpapasalamat ang GMA Kapuso Foundation sa pakikiisa ng Philippine Association of Private School Dentists, Dr. James Olayvar, Papa Dudut, J25 Salon, Blue Edge Medical Group, at Marta's Handmade sa proyekto.

Sa mga nais mag-abot ng tulong sa iba pang proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.

Maaari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier, PayMaya,  GCash, Globe Rewards, at Metrobank credit card.

Maaari ring mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Shopee, Zalora, Mega Mart, at Lazada.

Comments

ShareThis Copy and Paste
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.