March 23 2022
Ngayong buwan ng Marso ipinagdiriwang ang Women's Month kaya bilang pagbibigay-pugay sa kababaihan ng Antipolo, naghatid dito ang GMA Kapuso Foundation ng ilang regalo.
Naapektuhan man ng lockdowns ang hanap-buhay ng ilang magsusuman dito, hindi nila ito hinayaan tuluyang silang padapain ng pandemya.
"Twenty years na gumagawa kami ng suman araw araw. Nag-start kami ng 4:00 pm hanggang 8:00 ng gabi," kuwento ni Precy Baybayon, isa sa mga kababaihang gumagawa ng suman.
Hindi raw sila halas makabenta noong nagkaroon ng lockwodn noong 2020 at dalawang buwan din silang natigil sa trabaho.
Buti na lang, naisip ng may-ari ng pagawaan ng suman na si Ailyn Pesito na sumubok sa online business.
"Noong nag-GCQ siya, inisip namin i-online natin 'to. Mag-try tayo ng konti. Noong tumatagal tagal, mas lalo pong dumami. Dire-diretso na po hanggang sa lumaki na po 'yung volume na ginagawa namin," paggunita ni Ailyn.
Ngayon nakakatanggap na raw sila ng orders mula sa iba't ibang lugar.
Kabilang ang mga kababaihang magsusuman sa mga hinandugan ng GMA Kapuso Foundation ng mga regalo ngayong Women's Month.
Tinatayang 100 kababaihan ang nabigyan ng grocery packs, mamon at face masks sa Brgy. San Jose sa Antipolo City. Halos 50 naman sa kanila ang piniling magpatingin at nabigyan ng libreng pap smear at breast examination.
"Pinaka maaasahan at praktikal na paraan para masuri at ma-identify ang cervical cancer nang maaga ay ang pagkakaroon ng taunang pap smear," paliwanag ni Dr. Tricia Mae Amora, general practitioner.
Nagpapasalamat ang GMA Kapuso Foundation sa pakikiisa ng Red Ribbon Bakeshop at Jollibee Group sa proyekto.
Sa mga nais mag-abot ng tulong sa iba pang proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.
Maaari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier, PayMaya, GCash, Globe Rewards at Metrobank credit card.
Maaari ring mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Shopee, Zalora, Mega Mart at Lazada.
advertisement
advertisement
Comments
comments powered by Disqus